"Who are you?!" Sabay-sabay na humugot ng baril sina Ace, Chase at Kelly nang marinig nila ang boses na nanggaling sa ikalawang palapag ng mansyon.
Tinutok nila ito doon at nakipagtalasan ng tingin sa lalaking mataba na ngayon ay tinutukan na din sila ng baril, sniper riffle.
Napatingin si Kelly sa tatlong natirang nakaupo na mukhang naalipungatan dahil sa ingay. Nakaatulog na kasi ang mga ito kagabi kaiisip kung saan bang sulok nagsuot si Hiro.
Malamang na lahat sila ay nag-aalala sa pagkawala ni Hiro, baka may nangyari ng masama dito.
Matalim ang binallik na tingin ni Kelly sa lalaking mataba.
Ayaw man niyang magsalita pero kusa na lamang bumuka ang bibig niya.
Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang galit na nararamdaman niya, pero basta ang alam niya lang ay gusto niyang saktan ang matabang nasa ikalawang palapag ng mansyon.
"You, fvcker! Are you the one who kidnapped Hiro?! I will kill you, bastard."
Ang mga salitang iyon ay nagbigay kilabot sa mga kaibigan ni Kelly. Gulat na gulat na nakatingin si Jazzie kay Kelly.
Hindi siya makapaniwala na nasabi iyon ng kaniyang kaibigan. Sa tagal nilang pagsasama ay ngayon niya lamang nakitang gano'n kagalit si Kelly, parang totoo talaga ang sinabi nito na papatayin niya ang lalaki.
Gusto man niyang magbiro, subalit hindi ito ang tamang oras para doon dahil mukhang baka siya pa ang biglang barilin ni Kelly sa sobrang galit imbes na 'yung matabang iyon.
Tumingin si Jazzie sa tatlo na mukhang nagising na nang tuluyan. Pero, bago pa sila makatayo ay bigla na lamang nagpaputok ang matabang lalaki at sa kinamalas-lasang pangyayari ay natamaan si Raven sa hita.
Nang umigik ito ay hindi na nagdalawang isip si Ace at Chase na ibalik ang putok sa lalaking mataba na ngayon ay bigla na lamang tumakbo.
"Hahabulin ko!", ani Chase at tumakbo sa isang gilid para pindutin ang switch ng hagdan na napag-alaman lamang nila kagabi na may ganoon pala doon.
Switch iyon na kapag in-on mo ay kusang bababa ang isang malaking grand staircase na nanggaling sa ikalawang palapag at kapag in-off mo naman ay kusa itong babalik sa dati niyang anyo.
"Teka! Sasama ako, Chase." Sumunod si Kelly kay Chase na medyo nakakalayo na.
Hindi na niya nagawang intindihin pa si Raven dahil baka mawala sa paningin niya si Chase at ang matabang lalaki. Ang laki-laki ng katawan ng lalaking iyon pero nagawa niyang tumakbo ng mabilis. Nagmumukha siyang white boar.
Panatag naman ang kalooban ni Kelly na iwan sa baba ang mga kaibigan niya dahil alam naman niya na poprotektahan nila ang isa't isa.
Napapitlag si Kelly ng magpalitan ng putok ng baril ang dalawa. Mabilis siyang yumuko dahil baka siya ay matamaan.
Nakita niya din na yumuko si Chase dahil sa sunod-sunod na pagbaril ng matabang lalaki. Hindi nakaganti si Chase at inis na inis na tinapon ang kanyang baril. Napairap sa hangin si Kelly.
Pambihira.. lakas ng loob humabol, wala naman na palang bala.
"Chase!"
Napalitan ng ngisi ang kaninang nakasimangot na pagmumukha ni Chase nang ibato sa kanya ni Kelly ang baril na dala nito.
Thank me later, asstard.
Hinayaan na ni Kelly na tumakbo ito palayo, pero nagulat siya ng marinig niya nag huni ng isang chopper. Napatakbo siya pasunod kay Chase.
BINABASA MO ANG
Project Z: The Cure
TerrorBook 2 of "PROJECT Z: THE OUTBREAK". How they can manage all the obstacles that they are facing if everything's got fvcked up? Everything is a mess. The truth must reveal. The sacrifices must paid up , and the humanity must come back. STARTED: JANUA...
