"Iyon na nga nangyari. Hehe," ngumiwi ako nang makita ang kanilang mga hitsura. Sabi ko na e! Mali talaga na nagkwento pa 'ko!
Mabilis akong lumipat at nakisiksik sa pagitan ni Astrid at Cyphrus nang makita ang kamao ni Primo na tatama sa ulo ko. Masamang nakatingin ngayon si Primo sa 'kin. Ngayon ko lang napansin na nakatigil na pala ang sasakyan namin at lahat sila ay palipat-lipat lang ang tingin sa 'min ni Aiden.
Nakita kong napabuntong hininga na lang si Primo at gano'n din ang iba dahil alam nila na wala na naman silang magagawa, nangyari na e.
"Just don't make another mistake, Millicent," saad ni Primo at pinaandar na ulit ang sasakyan.
Wala namang mali sa ginawa ko, ah? Ang galing ko nga kasi nakakuha ako ng mapa. Duh.
"Give me the map."
Kinuha ko agad ang mapa na nasa gitna naming lahat at mabilis na binigay kay Primo. Dapat magpa-impress para hindi na magalit.
"Ang gaslaw mo, Lili!"
"Edi hindi na."
Bumalik ako sa pwesto ko at tumahimik. Hindi na din namin tinangka pa na tumigil para lamang ayusin ang upuan namin. Magkakaharap kami ngayon at nagpapakiramdaman.
"What the fvck?! Don't touch me!"
"Ang arte mo naman! Parang nasagi lang, e."
Napatingin kaming lahat kay Luigi na ngayon ay tinatanggal ang tali ng babae kanina. Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin namim kilala ang babaeng 'to. Masiyado kasi siyang mahangin kaya nakalimutan na namin siyang tanungin.
"Tell me, what's your name?"
"I'm Franshie," maarteng sabi niya at umirap sa 'kin. Inirapan ko din siya. Syempre, ba't ako papatalo 'di ba? Mas maganda naman ako sa kanya. Mas malaki lang dede niya. Sana all!
"Okay, French fries," ngising pang-aasar ni Luigi. Rinig ko ang mga higikhikian nila. Pero walang mas lalakas pa sa hagalpak ni Cyphrus na nasa tabi ko. Kunot-noo akong tumingin sa kanya.
"Hahahahahaha! Benta sa 'kin," utas na sabi ni Cyphrus. Maluha-luha itong tumingin sa 'min.
"Baliw."
"Shut up. We're already here. Prepare yourselves." alertong saad ni Primo. Lahat kami ay mabilis na kinuha ang mga kinakailangang gamitin. Mukhang hindi makakapasok 'tong sasakyan dahil sa kitid ng daan ng papasukan namin at baka ma-trap pa kami doon.
"Wait. Wait. I have a suggestion!" tinaas ko ang kamay ko kaya napatigil silang lahat sa akmang paglabas nila ng sasakyan. Tumingin muna ako sa paligid at nang maklaro na walang sagabal sa paglabas namin ay nagsalita na 'ko.
"What if, hatiin natin ang grupo?"
"Why?"
"Para kapag na-trap tayo diyan sa loob, hindi tayo maubos 'di ba? Ubusan lahi ata 'to, e. Malay ko ba kung pagkakatiwalaan ko 'yung mga nakausap namin ni Aiden noon. Atsaka, kung sakali man na may nangyari, may back-up tayo."
"Well.. I agree. As long as i'm with you," tumingin ako kay Primo bago ngumiti.
"No," tanging sagot ko. "Hindi pwedeng magkasama tayo sa iisang grupo. Sorry ka. Pero dapat kang makinig sa 'kin."
"Then, no. Walang mangyayaring hatian," kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi niya ba ako naiintindihan? Pakiramdam ko ay sarili niyang kapakanan lamang ang iniisip niya.
Nagsisimula nang umakyat sa dibdib ko ang inis dahil ayawa sumang-ayon ni Primo sa plano ko. Para din naman sa 'min 'to, kaya anong pinuputok ng butsi niya?
"Ano ba, Primo? Makinig ka na lang, please? Ayaw ko na mag-aaway pa tayo dahil dito." pilit kong pinapaklma ang sarili ko.
"No."
Dahil sa sinabi niya ay nanaig na ang inis sa katawan ko kaya matalim ko siyang tinignan.
"Bakit ba ayaw mo?! Kapakanan ng grupo ang iniisip ko dito! Wala ka bang tiwala sa 'kin, ha?! Tingin mo ba sa 'kin, hindi kayang makapag-isa? Sabing hindi nga pwede na magkasama tayo! Walang mag-gagabay sa ibang grupo kung magkasama tayo, okay?! Huwag naman sariling kagustuhan lang ang isipin mo!"
Napasinghap ang iba dahil sa biglaang pagsigaw ko. Hindi ko talaga mapigilan ang nararamdaman kong inis. Kung ganyan siya umakto ay mas lalo lamang akong maiinis sa kanya.
"Uhm.. I think Lili is right, Primo," si Astrid na ang nagsalita. Tumingin siya sa 'ming lahat. "Ako na ang maghahati. Sa tingin ko ay magta-talong grupo tayo."
"Ace, Jazzie, Raven, Kelly, Primo and Jasmine will be the first group. You will be the look out. Humanap kayo ng lugar kung saan malayo dito, pero dapat ay mamamanmanan niyo pa rin kami. Ace, guide them. Primo, lead them." tumango naman si Ace at sumaludo.
"The second group will stay here. Franshie, Luigi, Roge, Cyphrus and me will wait the rest to come back," tumingin sa 'kin si Astrid. Napangisi ako dahil isa ako sa mga papasok sa loob. Syempre naman, ako bida dito. Dapat nasa 'kin ang thrill.
Bale ang kasama ko ay sina Xyron, Chase and Aiden.
"Okay, we're good."
Sabay-sabay silang lumabas ng sasakyan at tanging si Primo at ako na lamang ang naiwan. Wala siyang imik at halatang hanggang ngayon ay hindi pa rin sang-ayon sa nangyayari.
"Primo.."
Malamig siyang tumingin sa 'kin. Kumirot naman ang puso ko dahil do'n. Hindi ko maiwasan na mapa-luha dahil sa pakikutungo niya sa 'kin. Suminghot-singhot ako kaya napatingin siya sa 'kin. Mabilis na nanlambot ang ekspresyon niya nang makita ako.
Niyakap niya 'ko kaya niyakap ko din siya pabalik.
"I'm sorry, okay? Just please, stop crying. I can't bare it. Seeing you crying makes me want to punch myself for being stupid. I'm sorry, okay? I love you."
Tumingin ako sa kanya at nag-pout. "Pakiss." naramdaman ko ang labi niya sa labi ko kaya napangiti naman agad ako.
"K. Love you too!" masiglang saad ko at lumundag palabas ng van.
"Hoy! Hoy! Anong ginawa niyo, ha? Ninong ako," pang-iintriga ng Luigi. Kunot-noo ko siyang tinignan.
"Utak mo may ubo," tanging sambit ko bago tumingin sa kanilang lahat. "Ano? Tara na?"
"Break a leg!"
Naghiwa-hiwalay na kami ng landas at ang tanging nanatili lamang dito ay ang grupo ni Astrid. Dahil sa sobrang exited ko ay hindi ko na nagawang magpaalam pa kay Primo. Hinila ko na agad si Aiden papasok sa loob ng masikip na eskinita. Ramdam ko ang pagsunod ng dalawa kaya hindi ko na sila pinansin.
"Uy, Aiden! Andyan ka pala."
"Ate. Anong nangyari? Grabe! I was so scared kanina. Kuya Primo is burning fire. I swear! He's scary. I didn't even have a gut to look at him, ate!"
"Ang OA mo naman! Parang wala ka kanina kung makapagtanong ka kung anong nangyari."
"Speaking of.. Ate, i saw something kanina while you and Kuya Primo is arguing."
Natahimik ako dahil bigla akong kinabahan sa kung ano man ang sasabihin niya. Pati 'yung dalawa sa likod ramdam ko ang tensyon.
"Ano?"
PLAGIARISM IS A CRIME
BINABASA MO ANG
Project Z: The Cure
TerrorBook 2 of "PROJECT Z: THE OUTBREAK". How they can manage all the obstacles that they are facing if everything's got fvcked up? Everything is a mess. The truth must reveal. The sacrifices must paid up , and the humanity must come back. STARTED: JANUA...