Tahimik lang kaming nakatingin sa kanila.
"Teka, pare. Pinagdududahan mo ba kami?", naiiritang sabi ni Roge.
Ngumisi si Xyron na lalong nakapag-paasar kay Roge. Napairap naman ako sa hangin dahil sobrang nonsense ng usapan nila. Gumagawa sila ng konklusyon na wala naman kasiguraduhan. Mga baliw.
"Bakit hindi?", sarkastikong saad ni Xyron. Akmang tatayo si Roge para sugudin si Xyron ngunit mabilis na pumagitna ang mga lalaki sa kanila.
"Tumigil na nga kayo," napabuntong hininga ako at parehas silamg tinignan. "Ang tagal na ng pinagsamahan natin tapos ngayon pa kayo magkaka-ganyan? Nababaliw na ba kayo? Atsaka, huwag nga kayong gumawa ng mga sarili niyong konklusyon tungkol sa mga bagay na iyon dahil wala naman tayong kasiguraduhan. Maaaring tama kayo subalit maaari din na mali kayo," pagtataray ko.
"And besides, huwag niyong pag-isipan ng gano'n ang presidente natin. May tiwala ako sa kanya at sigurado akong hindi niya magagawa sa atin ang bagay na iyon, okay? Kaya shut up na kayo diyan. Para kayong mga siraulo, ngayon pa kayo nagkakaganyan."
Natahimik silang lahat sa sinabi ko. Narinig kong may nginungulngol pa si Xyron at Ace sa isa't-isa pero pinagsawalang-bahala ko na lang. Bahala sila. Ang kulit. Ang tigas ng ulo. Parang mga bata!
"I think we need to move," saad ni Primo. Tinignan ko siya na may katanungan sa mga mata. Naks! Buti na lang naiintindihan niya 'ko.
"We're not safe here. I don't know but i feel that someone's watching us. Sa tingin ko ay kailangan na nating umalis dito sa lalong madaling panahon-"
"Wait. Where's Aiden?", naagaw ng pansin ko ang sinabi ni Kelly at agad na nagpalinga-linga upang hanapin si Aiden.
Damn! Kanina lamang ay nasa tabi ko siya. Nasaan ang batang 'yon?! Aish!
"Hindi ba nagpaalam sa 'yo, Lili?", tanong ni Astrid. Umiling naman ako at bumaling kay Primo ngunit umiling lang din ito.
"Fvck! Let's find that brat," nagulat ako dahil unang tumayo si Xyron.
Wow.. Akala ko ba ayaw niya kay Aiden? May himala na ba? Umiling ako at hindi na lamang pinansin iyon.
Tumayo na rin ako para hanapin si Aiden. Malilintikan sa 'kin ang batang 'yon! Ilang beses ko na ba siyang nakutusan dahil sa katigasan ng ulo niya? Hindi ko na mabilang!
Pumunta ako sa isang kwarto kung saan doon kaming mga babae natutulog. Hinanap ko siya doon pero hindi ko siya nakita. Bwisit!
"Aiden's here!"
Napatakbo kaming lahat kay Jazzie na sumigaw. Nanggaling iyon sa kusina kaya doon kami pumunta, at nakita namin si Aiden na nakaupo sa silya at nakapatong ang ulo sa lamesa habang natutulog, may pagkain pa sa tabi.
Kumunot ang noo ko dahil parang may iba sa posisyon ni Aiden.
"Something's not right here," halos magkapanabayang sagot namin ni Primo. Nagkatinginan kami at magkasabay na lumapit sa pwesto ni Aiden.
"Ha? Anong hindi tama? E, natutulog lang pala ang batang 'yan. Akala ko naman kung anong nangyari," iling na saad ni Cyphrus.
"No. Hindi man lang nabawasan ang pagkain niya. Imposibleng makatulog siya ng hindi man lang nababawasan ang pagkain, Cyphrus," saad ko.
Binuhat ni Primo si Aiden. Lumapit naman ako at tinignan kung may sugat o kahit anong galos ba siya na natamo. Wala naman akong nakita sa katawan niya pero pagdating sa ulo ay may nakita akong maliit na galos. No'ng una ay hindi mo siya mahahalata pero kapag tinitigan mo ng mabuti ay makikita mo ang pasa na parang hinampas ng matigas na bagay.
"Shit! Primo!" nataranta ako dahil doon. Itinuro ko sa kanya ang galos. Napalapit na din ang iba sa kanya. Dumiretso kami sa living room at hiniga si Aiden sa sofa.
Ang pinagtataka ko lamang ay bakit walang dugo?
"Move."
Napaalis ako sa pwesto ko dahil sa seryosong sambit ni Chase. Hinawakan ko ang dibdib ko dahil sa gulat.
Grabe! Kinabahan ako do'n, ah.
Kita ko kung paano eksaminahin ni Chase ang ulo ni Aiden. Sobrang kinakabahan na ako dahil baka kung ano nang mangyari kay Aiden, hindi pa rin siya nagigising.
"It looks like the culprit already clean the wounds," bulalas ni Chase. Nagkatinginan kamong lahat bago lumipat ang tingin kay Chase na ngayon ay bine-bendahan ang ulo ni Aiden.
"Ha? Culprit?", takang tanong ko.
Imposible 'yon! Wala namang ibang tao dito bukod sa 'min, maliban na lang kung may nakapasok sa dito, pero imposible pa rin dahil naka-lock naman ang nag-iisang pinto nitong kwarto.
"Oo, maybe someone's enter our room."
"Yeah, you're right!"
Sabay-sabay kaming napalingon sa boses babaeng nagsalita, ang tinis no'n na nakakairita sa pandinig. Napakunot ang noo ko nang makita ko ang babaeng may mahabang buhok at nakasuot ng sobrang ikling palda at blouse na white.
Mukha siyang pornstar.
"Sino ka?", halos sabay-sabay naming saad.
"Uh-- What?", clueless na sagit niya. Nagkatinginan kaming lahat at parang nagkaintindihan ang isa't-isa.
"Englisherist pala 'to, kayo na kumausap diyan," sabi ni Luigi at lumayo sa amin. Isa-isa din nagsilayuan ang iba.
Kunot noo ko naman silang tinignan. Poquet nagi-english, lalayuan na? Ang dali-dali lang mag-english, e.
Wash your name?
"M-mhh..," lahat kami ay napatingin kay Aiden na dumaing. "T-Tubig.." namamaos na saad niya.
Mabilis na kumilos si Astrid at nabigyan agad siya ng isang basong tubig. Hindi ko alam kung saan niya kinuha pero mukhang hinablot niya lang sa tabi-tabi.
Kitang-kita sa mga mata ni Aiden ang takot. Tumingin ito sa 'kin at maluha-luha ang mata. Nginitian ko siya at pinakalma.
"Shh... Ayos ka na ba?"
Tumango lang ito bilang sagot. Umalis ako sa harapan niya dahil dinumog na siya ng mga siraulo.
Mabilis nagbago ang ekspresyon ko nang makita 'yung babae kanina. Siya may kasalanan nito, e, hindi siya makakalagpas sa 'kin. Isa pang bwisit.
Hinarap ko ito at matalim na tinignan. Nginisihan niya lang naman ako na lalong nagpa-init ng ulo ko. Ang ayaw ko sa lahat ay umaakto na parang walang kasalanan, are you a psycho?
"Hoy, babaeng mukhang pornstar! Hindi ko ba alam na delikado 'yung ginawa mo?! Paano kung may nangyaring masama kay Aiden, ha?! Gusto mo, ikaw pukpukin ko sa ulo para maalog 'yang utak mo?!", gigil na sigaw ko. Clueless niya akong tinigna at halata sa mukha na walang naintindihan sa sinabi ko.
Kaya naman, hinila ko si Cyphrus para siya ang kumausap dito sa babaeng 'to.
"I-translate mo nga sa english sinabi ko," nanatili ang tingin ko kay babaeng bruha. Ngumisi naman sa 'kin si Cyphrus na para bang basic lang ang pinapagawa ko sa kanya.
"Hey you! Pornstar girl. It's danger," ngumisi si Cyphrus na parang pinagmamayabang ang kanyang sinabi. Nagkatinginan kami ng mga kasama ko bago humagalpak ng tawa.
PLAGIARISM IS A CRIME
BINABASA MO ANG
Project Z: The Cure
TerrorBook 2 of "PROJECT Z: THE OUTBREAK". How they can manage all the obstacles that they are facing if everything's got fvcked up? Everything is a mess. The truth must reveal. The sacrifices must paid up , and the humanity must come back. STARTED: JANUA...