Dahan-dahan ang paglakad ni Astrid palapit kina Primo, Blair at Elina. Hindi naman iyon napapansin ni Patricia dahil nakatalikod ito sa kanila habang tumatawa.
Ang kamao ni Astrid ay kuyom na kuyom na dahil sa inis sa babae na trumaydor sa kanila. Gustong-gusto niyang gilitin ang lalamunan ng babae pero pinigilan niya ang sarili.
Sa ngayon ay kinakailangan niya munang iturok ang anti-dote kay Lili na binigay sa kanya ni Franshie.
Ayon kay Franshie ay kailangan daw na maiturok iyon ni Astrid sa mismong veins sa leeg ni Lili. Kinakabahan naman si Astrid sa kanyang gagawin. Medyo nainis na naman siya dahil hindi naman siya marunong ng pinagagawa sa kanya.
Hindi hamak na mas marunong si Roge sa mga ganitong bagay pero tinanggihan ng loko, dahil siya daw ang magpoprotekta sa babae sa oras na may mangyaring hindi maganda. Habang si Franshie naman ay bigla na lamang nawala.
Hindi pa rin makapaniwala si Astrid na ang nasa harap niya ngayon ay si Lili. Awang-awa siya sa kalagayan nito. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman.
Parang may sumasakal sa leeg niya habang tinitignan ang kanyang kaibigan. Nang makita siya ni Lili ay bigla na lamang itong nagwala at pilit siyang inaabot.
Dahil sa ingay na ginawa nito ay sabay-sabay na napatingin sa kanya ang tatlong nando'n. Biglang kumabog ang dibdib niya nang makitang napatingin din sa gawi niya si Patricia.
Hindi siya natatakot sa babae, pero hawak nito ang buhay ni Lili.
Pinaliwanag ni Franshie kanina ang epekto ng hawak ni Patricia sa mga zombies kaya gano'n na lamang ang takot niya na baka biglang itapon ng babae ang lahat ng laman non.
Ang nakakunot na noo ni Patricia ay unti-unting nawala kasabay nang pag-ngisi nito kay Astrid. Mabilis na itinago ni Astrid ang anti-dote na hawak niya.
Ayon kay Franshie ay iba daw ang anti-dote na hawak niya sa hawak ni Patricia. Magkaiba daw ang epekto non sa zombies. Sa kabilang banda ay nag-iisa lamang ang anti-dote na hawak ni Astrid kaya doble ingat siya pagdadala nito.
"Oh! The friend is here! Mukhang nag-iisa ka ata? Nasaan na ang mga kaibigan mo? Naging merienda na rin ba ng mga alaga ko?", humalakhak ito na mas lalong kinainisan ni Astrid.
"Baka gusto mo ikaw lutuin ko diyan? Tanga ka ba?", pabulong na sabi ni Astrid na tanging si Primo lamang ang nakarinig. Masama ang tingin ng mga mata ni Astrid sa babae.
Nagpalakad-lakad na naman ang siraulong si Patricia na parang nang-aasar sa kanila habang ibinabato-bato ang hawak na antidote.
Habang ginagawa niya iyon ay mabilis na lumapit si Astrid kay Lili.
"Where are the others?", biglang imik ni Primo na medyo ikinagulat niya. Napatingin siya sa lalaki at nakita ang namumulang mukha nito.
Pansin niya din ang pamamaos sa boses nito na para bang kagagaling lamang sa pag-iyak.
Naaawa siya sa kalagayan ng dalawa niyang kaibigan pero wala naman siyang magawa dahil pati siya ay nasasaktan sa pangyayari.
"Kasama ko si Roge. Na'ndito din si Franshie, pero hindi ko pa nakikita ang iba. May mga kasama si Aiden na hindi ko kilala pero papunta na sila dito," kibit-balikat ni Astrid. "Primo.. pausap ako. Pahawakan naman ng ulo ni Lili. I'll just inject this antidote to her."
Nahihirapan kasi siya dahil masyadong magalaw ang ulo ni Lili at pilit siya nitong kinakagat. Parang nagliwanag ang mukha ni Primo sa narinig at mabilis na sinunod ang sinabi ni Astrid. Nakalapat na sa leeg ni Lili ang dulo ng syringe nang mapatingin si Astrid sa lalaking nakatingin sa kanila ngayon. Kumunot ang noo niya dito. Nakasuot ito ng lab gown at may suot na salamin sa mga mata.
BINABASA MO ANG
Project Z: The Cure
TerrorBook 2 of "PROJECT Z: THE OUTBREAK". How they can manage all the obstacles that they are facing if everything's got fvcked up? Everything is a mess. The truth must reveal. The sacrifices must paid up , and the humanity must come back. STARTED: JANUA...