EPILOGUE

230 6 0
                                    

Hindi makatingin si Primo kay Tita Shaina dahil sa nangyari kanina. He's shy! Primo Cervantes is shy! Hindi niya alam na Mama ni Lili 'yon.

Napabuntong hininga siya. Hinawakan niya ang kamay ni Lili at inilapat ang labi roon.

"You're my daughter's boyfriend, right?", malumanay na sabi ng ina ni Lili.

"Yes, Maam. I am Primo Cervantes, your daughter's lover."

Hindi tumingin si Primo sa ina. Nanatiling pikit ang mata nito habang hawak ang kamay ni Lili. Ipinapanalangin niya na sana.. Sana magising na ang kaniyang mahal. Namimiss na niya ang mga tawa nito. Namimiss na niya ang boses nito. Namimiss na niya lahat ng mga kalokohan nito.

Tahimik lamang ang lahat habang hinihintay ang paggising ng kanilang kaibigan. Nasa loob pa rin sila ng barko. Hindi na nila alam kung ano na ang nangyari sa naiwan nilang misyon sa China. Ngayon ay patungo na ulit sila sa kanilang bansa. Ang iba ay napapailing na lamang dahil wala silang nakuhang gamot. Ni sample ay wala.

"Nasaan si Luigi?" Tanong ni Astrid. Nagpalinga-linga siya dahil kanina nita pa napapansin na may kulang sa kanila.

Sa awa naman ng Panginoon ay nakaligtas sina Roge at Astrid sa naging pagsabog ng cruise ship. Nagtamo sila ng mga sugat.

Gusto pa nga na maiyak ni Astrid dahil nasugatan siya sa ilalim ng tubig-dagat. Sobrang hapdi tuloy.

"Umalis."

"Lumipad."

"Pangarap niya raw maging sireno."

"Ayon. Shunga."

Kanya-kanya silang komento sa tanong ni Astrid. Napakunot naman ang noo ng iba dahil hindi nila naintindihan ang gustong ipunto ng mga ito.

"Hinanap si Franshie," seryosong sabi ni Primo. Lahat naman sila ay napatahimik.

Feeling tuloy ni Astrid, napakasama niyang tao dahil hindi niya man lang naalala si Franshie gano'ng ito ang tumulong sa kanila no'ng mga oras na magigipit na sila.

Franshie.. hulog ka ni Lord.

Nagulat naman sila nang bigla na lamang humagulgol si Aiden. Tumakbo ito palapit kay Lili at niyakap ang kaniyang ate.

"Ate! Huwag mo 'ko iiwan! Ate, huwag ka mamamatay! Ate!"

Napangiwi silang lahat na nakakarinig kay Aiden. Para itong sirang plaka na paulit-ulit ang sinasabi. Hindi pa naman mamamatay si Lili, 'yun ang alam nila.. pero.. what if..

"Aiden, tama na 'yan. Natutulog si Lili, oh. Sapukin ka niyan kapag nagising 'yan," biro ni Cyphrus. Wala namang tumawa kaya napangiwi na lang din siya.

Ang awkward..

Elina's PoV

Nahihirapan ako huminga. Shuta! Ramdam ko ang bigat at lamig ng katawan ko. Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ko rin mamulat ang mga mata ko.

Ano bang nangyayari sa 'kin?

Gusto ko man igalaw ang katawan ko pero ayaw makisama ng bwisit na mga laman ko.

Naramdaman ko na parang may tinanggal na nakapatong sa ilong at labi ko at doon na ako tuluyang naubusan ng hininga.

Nalasahan ko agad ang tubig alat sa aking labi. Wala akong maalala. Hindi ko alam kung nasaan ako.

Unti-unting bumabalik ang paghinga ko pero hindi ko pa rin maigalaw ang katawan ko.

Shuta! Lumpo na ba 'ko?! Bakit hindi ko rin mamulat ang mga mata ko?! Ano ba!?

Project Z: The CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon