Kelly's PoV
"Anong nangyari?!", kinakabahan na tanong ko kay Raven.
Lumingon ako sa tinitingnan niya sa pagaakalang may masama nang nangyari. Pero ang bumungad sa 'min ay taliwas sa aking iniisip.
"What?", nakataas ang kilay na saad ni Jasmine.
Nasa likod nito si Ace na parang kinaklaro ang buong paligid dahil kada-lingon niya sa kung saan ay alertong-alerto na nakatutok ang baril niya doon.
Lumapit si Jazzie kay Raven at malakas itong binatukan, "Alam mo ikaw, ang OA mo mag-react! Bwiset ka! Akala ko kung ano na!"
Hindi ko mapigilang matawa dahil sa hitsura ni Raven na halos mangiyak-ngiyak na ngayon.
Kung mag-jowa lang sila, siguradong bugbog-sarado na 'tong si Raven sa araw-araw nilang pagsasama.
"Bakit ka nambabatok?! Close ba tayo, ha? Ha?!", binangga-bangga ni Raven ang balikat ni Jazzie na ginantihan naman ng isa.
Napailing na lang ako sa walang katapusan nilang pag-aaway.
"Anong ginagawa niyo dito?", pagkausap ni Ace kay Primo, habang ako ay nakikinig lamang sa gilid.
Hindi ako makapagsalita para sabihin ang naiisip ko dahil wala naman akong isip—chour. Hindi lang talaga ako makapagsabi ng saloobin dahil tinatamad pa ako.
Shkkkk...
Itinaas ko ang anthena ng walkie-talkie na hawak ko.
"Kelly. May napansin ba kayong kakaiba?", boses ni Luigi na rinig ko. Nagtinginan kaming lahat bago ako magsalita.
"Bukod sa wala ng zombies ay wala---- p-pero..", kunot-noo kong tinignan ang walkie-talkie, itinaas-taas ko pa iyon na parang naghahanap ng signal.
"What happened?", lumapit na rin si Jasmine sa amin.
"Alam mo, Raven--"
"Hindi."
Hindi na lamang namin pinansin 'yung dalawa na hanggang ngayon ay nagbabangayan pa rin.
Nag-aalala akong tumingin sa kanila.
"Nawala.."
Lahat kami ay nabingi dahil sa biglang ingay na ginawa ng frequency. Pinatay ko agad ito bago ibinalik sa bag ko.
"What happened to them? Bakit kayo na'ndito?", nagtatakang saad ni Jasmine.
Ako na ang nagpaliwanag sa nakita at nangyari sa'min kanina, dahil mukhang walang balak ibuka ni Primo ang bibig niya.
Tumango-tango sila at sumeryoso din pagkatapos.
"Give me the phone, Ace," Primo said out of nowhere. Binigay naman agad 'yon ni Ace.
"Go, find our comrades. I'll just fix the missing pieces."
Umalis si Primo at iniwan kaming nakanganga, dahil hindi namin naintindihan ang sinabi niya.
"A-Ano daw?", pagbasag ko sa katahimikan. Nagkatinginan kami sa isa't-isa bago ulit nanahimik.
"I think, we should go," bulalas ni Jasmine kaya napatingin kaming lahat sa kanya.
"Saan naman tayo pupunta? E, hindi nga natin alam kung saan pupunta. Ano na?..." labas sa ilong na saad ni Raven.
"Lets find the others, then we will follow the group of Lili. I think Primo found something that he needs to clarify?", kibit-balikat na saad ni Jasmine.
"Clarify what?"
"I don't know."
"Tara na. Huwag na kayong mag-aksaya ng oras."
BINABASA MO ANG
Project Z: The Cure
HorrorBook 2 of "PROJECT Z: THE OUTBREAK". How they can manage all the obstacles that they are facing if everything's got fvcked up? Everything is a mess. The truth must reveal. The sacrifices must paid up , and the humanity must come back. STARTED: JANUA...
