Millicent's POV
"AHHHHH!"
Naramdaman ko ang pagtama ng pwetan ko sa matigas na bagay kaya napa-igik ako sa sakit. Dahil sa frustration ay napasabunot na lamang ako sa sariling buhok.
Luminga-linga ako para tignan kung nasaang lugar na ba ako. Oo, napahiwalay ako sa mga kasama ko. Tumingin ako sa taas kung saan ako bumagsak at nakita kong sarado na ang pinanggalingan ko.
Ano kasi 'yong naapakan ko?
Napansin ko na para akong nasa isang malaking tubo dahil sa hugis ng paligid, hinwakan ko iyon at parang nasa isang stainless ako. Nang makasigurado ay kinatok-katok ko ang bawat gilid at gumawa nga iyon ng ingay.
Dahan-dahan akong tumayo at pinagpagan ang sarili. Tumingin muna ulit ako sa taas kung saan ako nanggaling bago bumagsak sa impyer-- char.
Ano na kayang nangyari kina Aiden?
"Ate, i saw someone"
Lahat kami ay napatigil dahil sa sinabi ni Aiden. Tumingin ako sa kanya at parang may iniisip siya.
"I think i saw them before but i can't rem--- ah!", tumaas ang index finger nito at parang may naisip. "I knew it! Naalala ko na. Ate, sila 'yung--"
"Hey."
Napatingin kaming lahat, Aiden, Xyron, Chase at ako sa nagsalita. Nanlalaki ang mata ko nang makilala siya, sila. Napahampas ako sa noo ko nang maalala na dito nga pala ang tagpuan namin, sa E-Central.
Nakalimutan ko kasi e.
"U-Uh. Ano nga ulit pangalan niyo?", ngiti-ngiting saad ko. Naramdaman ko ang pagiging alerto ni Xyron at Chase, kaya sinenyasan ko sila para sabihing okay lang.
"He's Blair and I'm Kyla," seryosong saad nito. Lumingon ako sa dadaanan namin at nakitang malapit na kaming makalabas sa maliit na eskinitang ito.
"Who are they, Lili?", kunot-noong tanong ni Xyron. Nagkilanlanan muna sila bago magkapalagayan ng loob. Hindi ko na pinatagal ang kanilang introduction dahil hindi naman 'yon ang pakay namin dito.
"So, ano na?", mataray na sabi ko doon sa dalawa. Nakita kong ngumisi si Blair dahil sa inasta ko at sumeryoso naman si Kyla bago magsalita.
"Lets go. Hindi dapat tayo nagsasayang ng ora--"
"Wait. Pilipino kayo?", gulat na saad ni Chase. Sumama naman ang tingin ko sa kanya dahil nag-aaksaya na kami nang oras. Pwede bang mamaya na lang sila magtanungan?
"Chase..", may pagbabanta sa boses ko. Lumingon siya sa 'kin at napangiwi dahil sa matatalas kong tingin.
"Kay. Fine," bumuntong hininga ito at hindi na nagawa pang magtanong.
Kalalaking tao ang daldal.
"Hindi kami pwedeng mahuli dito, Lili. Kailangan na nating makaalis," nagmamadaling saad ni Kyla at halatang kinakabahan. Tumango naman ako at sumunod na sa kanilang dalawa.
Nanatiling tahimik ang lahat at tanging ang mga yabag lang namin ang naririnig. Malapit na kami sa dulo ng eskinita kung saan nakikita na namin ang liwanag.
Liwanag patungong langit. Amen. Char!
Nang makalabas sa eskinita ay tumigil kaming lahat para maghabol ng hininga. Inangat ko ang paningin ko para alamin kung nasaang lupalop na kami ng mundo.
Napanganga ako sa ganda ng lugar na nilabasan namin. Parang walang nangyaring gulo dito.
"Woah.." they all said in awe, maliban sa dalawa, Blair at Kyla na seryoso pa rin ang mga mukha.
![](https://img.wattpad.com/cover/251971919-288-k998471.jpg)
BINABASA MO ANG
Project Z: The Cure
УжасыBook 2 of "PROJECT Z: THE OUTBREAK". How they can manage all the obstacles that they are facing if everything's got fvcked up? Everything is a mess. The truth must reveal. The sacrifices must paid up , and the humanity must come back. STARTED: JANUA...