CHAPTER NINE

299 10 1
                                        

Luigi's POV

"Oy! Oy! Gusto niyo kumain?", pang-aalok ko sa kanila ng chitchirya na hawak ko. Lahat sila ay seryoso sa kanilang ginagawa. Samantalang ako naman ay eto nakaupo sa bubong ng van namin at kumakain.

Naramdaman ko ang pag-alog ng sasakyan kaya alam kong may sumakay din dito.

"I know you like her, pare," napalingon ako kay Cyphrus na dumukot din sa pagkain ko. Mabagal ang pagsasalita nito na aakalain mo na lasing pero nang-aasar lang pala.

"Ha? Sino?", takang tanong ko. I keep munching my foods as well as him.

"Asus! Maang-maangan ka pa, pre," he shake his head na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko.

"Alam mo, pare. Kapag tumanggi ako, sasabihin mo, defensive. Tapos kapag hindi ko naman talaga alam ang sinasabi mo, sasabihin mo naman, nagmamaang-maangan lang ako," binaba ko ang chitchirya na hawak ko at humalumbaba.

"Saan ba ako lulugar, pare?," ginaya ko ang mabagal niyang pagsasalita na parang lasing din.

"Edi sa puso ko na lang ikaw lumugar," ngising saad niya at tinaas-baba ang kanyang kilay.

I had goosebumps because of what he said. Kumuha ako ng isang piraso na V-Cut at binato iyon sa kanya.

"Kadiri ka, pre!", he just laughed then shrugged.

"But, honestly speaking, Luigi. Aminin mo na kasi sa 'kin na gusto mo siya."

"Wala akong aaminin sa 'yo kasi hindi naman ikaw 'yon, okay?"

"Luh. Luh. Luh. Parang others," i just shrugged. Umalis na siya sa tabi ko at pumunta sa pwesto nila Astrid. Isa pa 'tong hangal na 'to e. Akala niya ba hindi ko siya nahahalata?

Shrkkkk!

Napalingon ako sa walkie-talkie na nasa tabi ko. I grabbed it immediately dahil sa isipin na baka may masama nang nangyari sa mga kasama ko.

"Luigi. Hordes of zombie at your south. Alert all your members. We're back you up," halatang kinakabahan na saad ni Kelly. Natigilan kaming lahat nang makarinig ng mga ingay. Tumingin ako sa likod ko at nakita sa hindi kalayuan ang mga zombies na paparating sa kinatatayuan namin.

"Shit/The hell?!", they cursed.

Mabilis akong lumundag galing sa ibabaw ng van. Nakita ko naman na nababawasan ang mga zombies dahil sa iba't-ibang tama ng mga bala dito.

Buti na lamang ay naka-silencer sila kaya hindi gaano karinig ang mga ingay.

"Saan nanggaling ang mga 'yan? Wala naman 'yan kanina, ah?", takang saad ko. Sa pagkakaalam ko kasi ay sobrang linis sa lugar na ito na parang hindi pa nadadaanan ng delubyo. Kaya hindi ko alam kung paano nagkaroon ng pokeballs diyan.

"Shit! Luigi, Cyphrus. Susundan ko sina Lili, delikado sila sa loob!", natatarantang saad ni Astrid. Lumingon ako sa kanya at sinenyasan siya na ako na ang bahala dito.

"Wait. I'll come with you," saad ni Roge at isinabit sa katawan ang kanyang Armalite ar-18.

"Hoy, pre. Ingat kayo, ha," nag-aalalang saad ni Cyphrus bago nilipat ang tingin kay Astrid. "Astrid..", tumango lang si Astrid bago sila sumaludo sa amin.

Tingin ko nga may gusto si Cyphrus kay Astrid e, 'di ko sure. Hindi naman kasi halata kay Cyphrus, medyo lang.

Napatingin ako kay Franshie na naglabas ng isang mahaba at pulidong kahoy. May pinindot siya doon at pareho kaming nagulat ni Cyphrus nang makita kung gaano katulis ang magkabilang dulo non.

Delikado 'yon!

"I'n so sorry for what happened a while ago! I'll just help you with this for exchange," she stretched her arm and shoulder before she composed her self.

Project Z: The CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon