CHAPTER ONE

672 21 5
                                    

"Happy Birthday to you~"

Kumakanta kami ngayon dahil birthday ni Aiden. Ang bilis ng panahon. Nakalipas na ang isang taon ngunit wala pa rin kaming nakikitang clue na magdadala sa 'min sa katotohanan at kaligtasan.

"Happy Birthday, Aiden!", sabay sabay naming saad at inilagay na namin ang mga pagkaing dala para sa handaan.

Maliit na pagsasalo lamang ang ginawa namin dahil wala kami sa aming teritoryo at baka mamatahan kami ng mga zombies na umaaligid lamang sa labas.

Masasabi kong ligtas naman ang pinagtutuluyan namin ngayon pero hindi naman tayo nakakasigurado doon, dahil hindi namin alam baka mamaya ay mga Chinese pa ang mismong magpahamak sa amin dito.

"Thankyou!", pasalamat ni Aiden.

"Kainan na!", sigaw ni Cyphrus na naging hudyat ng pagkakagulo ng mga siraulo. Nagpaunahan pa sila sa mga pagkain na nakahanda.

Napailing na lamang ako sa kanilang mga inakto. Para silang mga bata! For heaven's sake, we're not getting any younger.

Hindi ko naman sila masisisi na enjoy-in ang lahat ng nangyayari dahil hindi namin masasabi kung hanggang kailan ba kami tatagal sa mundo, lalo na kung nasa ganito kaming sitwasyon kung saan, any minutes, seconds pwedeng may buhay na mawala.

Umiling ako at inalis ang isipin na iyon sa utak ko. Alam kong kakayanin namin pero minsan ay hindi ko mapigilan na mag-overthink para sa kalalagyan namin.

"What are you thinking?"

Naramdaman ko ang dalawang braso na pumulupot sa aking bewang mula sa likod. Nilingon ko naman iyon at si Primo ang nakita ko. Napangiti ako dahil do'n.

"Wala naman," binalik ko ang tingin sa mga kasama kong masayang kumakain at nagku-kwentuhan. Sa ilang taon namin magkakasama, mas nakilala namin ang isa't-isa. At iyon din ang naging dahilan kung bakit hanggang ngayon ay magkakasama pa rin kami at hindi bumibitaw sa isa't-isa.

"You seems like in a deep thoughts. Mind sharing? Are you worried?"

Lumapat ang labi nito sa leeg ko at bahagyang inamoy-amoy iyon. Medyo nakikiliti naman ako dahil do'n.

"Primo. Lalayo ka o tatadyakan kita?", pagbabanta ko. Kahit anong mga pinagdaanan namin ay hindi talaga ako tinutubuan ng kahit anong sweet bones sa katawan. Samantalang siya naman ay patagal ng patagal ay pa-clingy ng pa-clingy.

Hindi ko alam kung anong nahi-hit-hit niya araw-araw. Jusme! Hindi na nagsawa, e.

I heard him chuckled at lumayo sa akin.

"Ate! Kuya! Kain na kayo dito, oh!", sabay kaming napatingin kay Aiden na ngayon ay may dalang pagkain habang palapit sa amin.

Napailing ako nang makita kung gaano na siya katangkad ngayon. Parang noon lamang ay binubuhat ko pa siya pero ngayon, mukhang ako na ang bubuhatin niya. Lol.

"Happy Birthday, Aiden!", ginulo ko ang buhok nito.

Sumama naman ang mukha niya at inayos ang pagkakagulo sa buhok.

"Ate! I told you, stop messing with my hair. It's hard to fix, e!", naka-pout na saad nito.

Napairap ako dahil habang tumatagal ay nakukuha niya ang ugali ng Kuya niyang sabog. Kinuha ko na lamang ang hawak niyang pagkain at sinimulang lantakan iyon.

Tumingin ako kay Primo na nakatingin ngayon sa akin. Sumubo ako ng isang cupcake bago ngumiti sa kanya. Napangiti din naman ito sa 'kin.

"Hindi ako namimigay. Sorry ka na lang," sabi ko at tumalikod na sa kanya.

Syempre, akin 'to, e. Ba't ko ibibigay 'di ba? Kumuha siya ng kanya kung gusto niya.

Lumapit na ako sa mga kasamahan ko.

"Hoy, Lili! Ang takaw mo, ha. Hindi mo man lang inalok si Primo. Hala ka! Sige, kapag ikaw iniwan niyan, iyak ka," pang-aasar ni Luigi.

Napatigil ako sa pag-nguya at inis na tumingin sa kanya. Bumalik ang tingin ko kay Primo na nakatingin pa rin sa 'kin.

Inis akong lumapit at padabog na ibinigay ang isang cupcake na nakalagay sa plato ko. "Oh!"

"What?"

"Sa 'yo na lang!", napipilitan na sabi ko.

"Are you sure?"

"Oo, iyo na lang."

Kinuha na niya ang cupcake ko. Parang nag-slow motion naman ang paligid habang isinusubo niya ang cupcake na iyon.

Ang cupcake ko!

Manubig-nubig ang mata kong nakatingin sa kanya habang nginunguya ang cupcake ko. Napatingin ito sa akin at kumunit ang noo.

"What the fvck? Are you crying?"

Napatingin sa amin ang mga kasamahan namin lalo na sa akin na halos mangiyak-iyak.

"Anyare diyan?", saad ni Jazzie habang nanguya ng pansit.

"Lagot ka, Primo! Pinaiyak mo!", pang-aasar ni Cyphrus.

"Bakit kasi naiyak?" , tanong ni Jasmine matapos ibaba ang basong may laman na tubig.

Nagtaas ng kamay si Ace kaya nagtinginan silang lahat doon. Unti-unti nang pumapatak ang mga luha ko. Nataranta naman si Primo na nakakita kaya lumapit siya sa 'kin at niyakap ako na lalong nakapag-hagulgol sa 'kin.

"I saw it. Primo ate her cupcakes, that's why she's crying," walang pakeng saad ni Ace.

Para naman na-estatwa si Primo dahil sa narinig.

"I-I thought it's mine?", umiling ako bilang hindi pag-sang-ayon.

"Then, why you gave it to me?" naguguluhan na saad niya.

Sumisinghot-singhot ako bago sumagot.

"S-Sabi kasi ni Luigi, iiwan mo raw ako kapag hindi kita binigyan ng cupcakes...", napaiyak na naman ako dahil do'n.

"What the fvck? Don't ever think of that again! I will never leave you even if it's the end of the world."

"Wushu!"

"Ayon!"

"May pa-ganorn, e!"

"Corny amputa!"

Kanya-kanya silang komento at nagabatuhan pa ng mani na isa din sa mga handa.

"Hush, baby... I will never leave you. That's a promise."


PLAGIARISM A CRIME

Project Z: The CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon