"paghihintay"

15 3 0
                                    

Sa panahon ngayon maraming mga tao mapabata o matanda man ay hindi alam kung saan lulugar, di alam kung tama ba ang napagdesisyonan, at di den alam kung tama pa ba ang mahalin ka pa ng lubusan.
Oras, minuto, segundo, araw, linggo, buwan, at taon. Igugugol ko ang mga bagay na iyan upang hintayin ka, upang tanungin ka, upang sabihin na mahal na kita pero natatakot ako, natatakot ako na baka sa huli mawalan ng halaga ang paghihintay ko. Oo aaminin ko, noon ang sabi ko kung ano man ang maging desisyon mo ay tatanggapin ko pero bakit? Bakit sa tuwing iisipin ko ang bagay na ito tila parang isang malakas na bagyo ang nararamdaman ko, anlakas ng tibok ng puso ko, anlakas ng sigaw sa pangalan mo sinasabing mamahalin ka hanggang dulo, pero nawala bigla ang lakas nito ng aking napagtantuang hindi ko pa pala naririnig ang salitang "Oo" galing sayo. Pero huwag ka magalala gaya ng dati maghihintay ako, wala naman akong magagawa ikaw ang minahal ko eh, edi sayo at sayo din ang hulog ko hanggang sa huli. Sabihin na natin nagbabago ang ikot ng mundo pero siguro naman ang puso pwedeng di magbago, diba? Panahon? Handa akong hintayin yan, takot ako pero di ko naman sinabing magiging duwag ako. Handa kong ipaglaban ang taong mahal ko, handa kong ipagsigawan sa buong mundo na ikaw ang mamahalin ko, handa akong magsaksipisyo para sayo. Natatakot ako na baka sa huli mabaliwala lang ang lahat ng kapatangan ko, magaya ako sa mga taong sawi, sabi nila mahirap daw maging sawi pero kung eto man ang kahahantungan edi wala akong magagawa, ikaw ang pinili ko eh ikaw ang gusto ko, pero hindi ko alam kung ako din ba ang gusto mo. Ewan ko ba ang sarap lang talaga magmahal eh ang sarap mong mahalin, ang sarap mong alagaan, ang sarap siguro sa pakiramdam kung magkatotoo man ang lahat ng yan, pero dahil syempre mas pinili kong maghintay, maghihintay ako hihintayin kita hanggang sa mapasakin ka na.......

_______________________

medyo matagal na simula nung huling ud
srryyyyyyy

_______________________

spokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon