BAYANI

214 5 0
                                    


Hinawakan ni Rizal ang kanyang pluma
Isinulat ang mga kataga gamit ang nobela
Na kanyang ipinanlaban sa mga kastila
Itinaas,
Itinaas ni Andres Bonifacio ang kanyang mga armas
para maging senyas ng pakikipagdigma
Upang tanggalin mula sa pagkabilanggo ang ating bansa
At kahit lumpo,
Pinilit pa rin ni Apolinario
Na makatulong sa mga plano
Ginamit nya ang kanyang utak
At yon ang kulang ko
Lagi ko na lang pinapairal ang aking puso
Kaya eto,
Nanlilimos ng pagmamahal sa isang tao
Sa isang tao, na walang pakielam sa nararamdaman ko
Tanga diba?
Hindi nalalayo kay Heneral Luna
Na siyang pilit na naglilingkod sa bayan, pero nagawa pa ring pagtaksilan
Ako naman,
Pilit na nagmamahal, kahit nagmumukhang tanga na lang
Wala eh, mahal mo
Kaya kahit masakit
Kahit maraming hadlang at balakit
Wala kang magagawa kundi pumikit na lang
At umasang mamahalin ka rin pabalik
Sana naging kasing tatag ko si Melchora Aquino
Para hindi na ako nagmumukhang martir
Tulad ng tatlong pari na sina GomBurZa
Kailangan ko na sigurong gumising sa katotohanan
Na kahit kalian
Ay hindi papanig sa akin ang tadhana
Tulad ng unang pagwasiwas ng ating bandila
Hindi si Aguinaldo, kundi ako
Ipoproklama ko ang aking kalayaan
Hindi sa Kawit, Cavite o kung saan man
Papalayain ko na ang puso kong binihag mo
Lalabanan ko ang aking nararamdaman sa unang pagkakataon
Tutularan ko si Lapu-Lapu na siyang unang lumaban
Para sa ating kalayaan
Maghihintay ako ng tamang panahon
Upang makita ko ang taong nakatadhana para sakin
Ika’y isa lamang sa napakaraming hamon sa buhay ko
Nagpapasalamat ako sayo dahil natuto kong mahalin ang sarili ko
Tulad ni Rizal,
Matatagpuan ko rin ang Leonora ng aking buhay
Ipaglalaban ko sya ng buong tapang
Tulad ng ginawa ni Andres sa ating bayan
Papairalin ko na ang utak ko
Na siyang natutunan ko mula kay Apolinario
Ipapadama ko sa kanya ang tunay na kahulugan ng salitang pagsasakripisyo at pagmamahal
Tulad ng ginawa ng ginawa ng tatlong pari sa ating bayan
At ipipinta ko ang aking pinakamagandang obra
Tulad ng ginawa ni Juan Luna
Sa susunod na gagawa ako ng tula
Tungkol na ito sa pagmamahal ko sa kanya
At hindi na tungkol sa pagiging tanga ko sayo.

spokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon