"TORPE"

2.2K 44 11
                                    


Ako ay gagawa ng isang tula para sayo aking mahal
Bago ko simulan ang aking tula nais ko lamang ipaalam sayo na ikaw yung taong mamahalin ko hanggang dulo
Tagu-taguan maliwag ang buwan wala sa likod walad sa harap pag bilang kong tatlo magtatago na ako isa dalawa tatlo aray! Nadapa ako
Ako yung taong kapag nasasaktan tatahimik na lang walang gagawin iiyak niya lang
Ako yung tipo na lalake na kapag sinaktan ang kanyang babae lintik lang ang walang ganti
Ako yung taong handang maghintay ng mahabang panahon makasama lang ang babaeng minamahal
Handang tanggapin lahat ng desisyong masakit basta para sa ating ikabubuti
Masakit pero handang tiisin
Titiisin yung mga luhang papatak saking mata at sasabihing "kaya pa ba?"
Syempre sasagot akong kaya ko kasi ang alam ko maraming tao ang naniniwala sa kakayahan ko
Torpe man sa kanyang paningin atleast siya lang ang mamahalin
Mamahalin ng lubusan maging sa saya man o sa kalungkutan
Mananatiling matapang.
Lalaban hanggang sa dulo magunaw man ang mundo makapiling ka lang mahal ko
Mahal na hanggang kaibigan lang
Ako yung tipo na kaibigang kapag may problema ka tatanungin ka ng tatanungin hanggang sa masasabi mo na ang totoo
Ako yung taong laging handang makinig sa storya ng kaibigan ko
Kapag may problema ako, ako ay tatahimik sa isang tabi at pag may nagtanong sa akin na "may problema ba? " ang aking laging sagot ay "Hindi" kahit wasak na wasak na
At Oo aaminin ko naging torpe ako nung una kahit hanggang ngayon di pa rin nawawala ang hiya sayo aking mahal
Pero mas gusto kong maging torpe kaysa di marespetong lalake
At aaminin ko torpe pa rin talaga ako hanggang ngayon pero eto ako laban lang para sayo
Ako yung taong magaling pagpretend na masaya kahit hindi
Lalakeng nagpapasaya sa iyo para hindi mahalata na nasasaktan na ako
Masakit man pero kailangan tanggapin
Babangon kapag nasasaktan
Pupunasan kapag lumuluha
Mapapagod pero di susuko
Masasaktan pero di ka ipagpapalit
Ipapangako ko sayo ikaw lang wala ng iba
At ang isa ko pang pangako para sayo ay dapat ngayong taon na ito ay hindi na ako mahiya sayo
Kung hindi rin tayo sa huli ang magkakasama
Aking sasamantalahin na ang mga oras, araw at panahon na iyong ibinigay
Salamat aking mahal na kaibigan
Salamat sa lahat! I love you from the bottom of my heart

THANK YOU

spokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon