"PARA SA AKING MAMAHALIN"

106 3 0
                                    


Ikaw, ang inspirasyon ko, hindi lamang sa pagsulat ng tulang ito,
kundi sa bawat araw na magdaraan, ako'y kapiling mo.

Darating ang araw na hindi ka na mag-iisa.
Na kung akala mo'y walang magmamahal sayo ay nagkakamali ka.

Dahil nandito pa ako, magmamahal sayo. Hindi lang ng buo kundi buong buo.
Hindi lamang ngayon, dahil kahit sumabog pa ang Bulkang Mayon ay walang makakapigil sa pagmamahal kong iyon.

Ako'y iyo, at ako'y mananatiling iyo kahit pa ako'y mabigo.
Itaboy mo man ako ay para akong tubig na patuloy na dadaloy sayo.
Hindi ako mapapagod na tila ba isang lungsod, mananatiling nakatayo.
At itatayo pa kita, sa mga oras na gusto mo ng dumapa.
Dahil sa akala mong ang mundo sayo'y naglaro na nga.

Hindi ako magiging mahina, sapagkat ako ang magiging lakas mo sa tuwing ika'y nahihirapan na.
Hindi lang basta alaga, o simpleng "kamusta ka?"
"Mahal kita." Mahal na mahal kita.

Yan ang ilan sa milyong salita na palagi kong gustong ibalita.
Ito'y hindi na iba, sapagkat bukod sa yakap na ipapadama sa iyo ay ang walang hanggang suporta.
Kagaya ng sabi ko, kasama mo ako.
Hindi lang sa pagbuo ng mga pangarap mo kundi pati sa pag abot nito.
Pangarap mo, pangarap ko. Pangarap nating dalawa.
Pero sinasabi ko sayo, ikaw ang pinaka pinapangarap ko.
Na abutin man tayo ng ilang milya ay hindi papalya ang pagsabi ko sayo ng salitang "mahal kita." "Mahal kita."

Ipapakita ko at ipapadama na ikaw lang talaga. Ganun ka kahalaga.
Na kailanman hindi mo mararamdaman na ikaw lang mag-isa.
Mahal kita. Dalawang salita pero sa salitang "ikaw" ako'y kuntento na.

Maaaring hindi tayo araw araw kung magkita pero panghawakan mo ang aking mga salita,
na ni minsa'y hindi ka mawawala sa aking isipan, sa aking puso.
Ikaw lang ang mananatiling uso, na hindi ko ipagpapalit sa kahit anong bago.

Hindi mo na kailangang punasan ng panyo ang luha mo sa mata dulot ng lungkot.
Sapagkat hindi ko hahayaan na bigyan ka ng oras para ika'y sumimangot.
Titiyakin kong ang pagluha mo ay dahilan ng pagiging galak mo sa tuwa.
Hindi ako mangangaliwa, sapagkat ayokong gumawa ng mga bagay na hindi mo ikakatuwa.

Tandaan mo, na sa bawat paggising mo ay narito ako hindi sumusuko sayo.
Na layuan ka man ng bilyong tao sa mundo ay nandito pa rin ako.
Ipaglalaban kita, na kahit ako lang mag isa ay patutunayan ko ito ng kusa.
Na tulad ko, nating lahat. Ikaw ay marapat lang na ibigin ng tapat.

Hindi mo na kailangang maglimos ng pagmamahal, sapagkat ang paglimot sa iyo mahal ay parang pagtulay ko sa kable, impossible.
Na oo maaaring kaya ko, pero ayaw ko, dahil ang tanging gusto ko ay ikaw, ikaw lang.
At ang paglalambing ko sayo ay magiging palagiang ganap na ng buhay ko.

Ako, ang magiging musika mo.
Na ang bawat himig ng salita ko ay s'yang magpapadama sayo, na hanggat may ako ay may magmamahal sayo.
Hintayin mo lang ako, dahil kapag handa na ako hindi na kita hahayaan pang lumayo.
Ang ikaw at ako ay magiging tayo at ito'y hindi magiging malabo.
Dahil asahan mong sa bawat minuto na kasama mo ako ay parang ang lahat ay kompleto.
Ako'y magiging kontento, na sa kwento ng buhay nating ito ay may ikaw at ako.

Darating ako, at sana sa araw na iyon ako'y tanggapin mo.
Na sana ikaw ay kalmado, sapagkat ito lang ang aking sigurado,
kapag ika'y inibig ko, wala ng bawian ito.

_________________________________________________

Happy Birthday Dentiiii!!!!!labyo

_________________________________________________

spokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon