"KAIBIGAN"

1K 14 11
                                    


Itong tulang ito ay para doon sa lalakeng hinaras ang babae ko ang masama kaibigan ko siya di lang kaibigan kapatid na ang turing ko sa kanya
Kaibigan, kaibigan pa ba ang itatawag ko sayo?
O kaplastikan?
Sabi mo sa akin,magpakasaya na ako sa babaeng meron ako
Oo masaya ako,masayang masaya
Pero simula ng kausapin mo siya at meron pang paghawak sa braso niya
Parang nawawala na
Sabi ko nga sa isa kong tula
"Ipagtatangol kita hanggang sa dulo"
Kaya eto ako ipagtatanggol ko ang babaeng di nararapat para sayo
Sabi mo kaibigan mo ako
Bakit pati ang babaeng minamahal ko ginagalaw mo
Baka pwedeng pabawas pabawasan kahit konti lang naman
Alam ko ginagawa moto para malunasan na ang kirot diyan sa dibdib mo
Pero bakit siya pa
Ayaw kong masira ang pagkakaibigan natin dahil lang sa babae
Pero kung sasaktan mo ang aking babae
Lintik lang ang walang ganti
Diba sabi mo SS sa aming dalawa STAY STRONG.
Paanong mananatiling malakas eh nagagawa mo na siyang agawin sa akin
Nung una mong gawin kanya yun okay lang ako eh
Pero simula ng nalaman kong nasaktan mo siya
Para bang napapaisip na ako na "friendship over na ba? "
Pero ayaw kong mangyari yun kasi alam kong ginagamit mo lang siya para makalimutan mo na ang lahat
Sana naman maintindihan mo yung nararamdaman ko kahit hindi ako nagsasabi
Oo,alam ko gusto mo lang din na iparanas sa akin yang mga nararamdaman mo ngayon
Ramdam ko na mahirap nga lang sabihin
Bakit pa siya yung napili mo na gamitin
Sabi ko naman sayo na huwag kang susuko
Ipaglaban mo pero ano ang rupok mo
Sana naman maramdaman mo na lahat ng emotion na nangyayari sa akin
Sana naman ipaubaya mo na sa akin yung babaeng minamahal ko na lubusan
Alam kong ayaw mo din naman masira ang ating pagkakaibigan
Kaya dapat tayo ay magbigayan
Pero ito ang dapat mong tandaan
Maliit man ako sa inyong paningin
Dudurugin ka kapag sinaktan mo ang babae ko
Diba dapat ang magkakapatid nagtutulungan hindi nagaagawan
Kaya sana naman matanggap mo na siya yung babaeng mamahalin ko hanggang sa dulo
Hindi naman ako naghahanap ng ayaw kaya eto lang ang ginagawa ko sumusulat
Para sayo mahal kong KAIBIGAN

spokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon