"Buong Pagmamahal"

90 4 0
                                    

Mahal kita
Dalawang salita.
Siyam na letra.
isang tula.
Para sayo aking mahal.
Hindi ko alam saan mag uumpisa,
malapit ko ng mabuo ang aking labing-dalawang tula,
simpleng bagay itong aking surpresa,
patawad dahil ako lamang ay isang manunula.
Mahal kita higit pa sa iyong inaakala,
ipapahayag ko nalang ito sa pamamagitan ng mga tula.
Sana ay maglaan ka ng mahabang oras,
at basahin lahat ito hanggang wakas.
Mahal kita higit pa sa lahat ng problema,
higit pa sa mga pag subok na ating hinarap na,
higit pa sa mga bagay na sa atin ay humahadlang,
higit pa sa salitang "Ayoko na."
Mahal kita. Ikaw lang ang nag-iisa,
sana ito ay iyong nadarama,
dahil mahal wala na akong iba pang gustong makasama,
kundi ikaw lang at wala ng iba pa.
Mahal kita at kulang ang mga salita para dito,
walang salita ang makakatumbas sa pag ibig ko sayo,
Kahit na ang salitang totoo at buo,
ay hindi kayang tapatan ang pagmamahal ko para sayo.
Minahal, mahal at mamahalin kita,
pangakong iingatan at mamahalin ka,
pangakong hindi mawawala sa iyong piling,
mga pangakong binitawan saksi ang langit.
Hindi ako magiging perpektong lalake para sayo,
pero isa lang ang masisiguro ko,
yun ay ikaw at ako hanggang dulo,
at ikaw lang ang iibigin ko.

_________________________________________________

dahil sinabi mo na magud ako eto na siyaaa ohhh para sayo toh

MHL

_________________________________________________

spokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon