"Nakaraan"

43 2 3
                                    

Eto na naman ako babalik sa dati, kasi wala namang pinagbago eh nung dati nung nagmahal ako nasaktan ako tsaka ngayon ewan ko ba naguguluhan na ako
Bakit sa tuwing magmamahal ako
Ako lagi ang nasasaktan, well minsan na akong nagkamali pero sana naman maramdaman mo kung gaano ako kakuntento sayo
Ikaw si nakaraang pilit kong nililimot, pero bakit hanggang ngayon ikaw pa rin ang tinitibok ng puso ko
Alam kong talo na ako, pero di ko alam kung bakit ganto ako kabaliw sayo
Masakit man isipin pero ang hirap limutin lalo na kung ikaw pa yung unang babaeng una kong minahal bukod sa nanay ko
Pero nung nasaktan mo ko nung una, tiniis ko muna kase nga mahal kita
Maraming beses akong nasaktan pero di kita agad binitawan
Nagpabitaw na lang talaga saken ay ang aking kalakasan
Kase sa tuwing makikita ka pa lang di na alam kung anong kalokohan na naman ang aking mararanasan
Salamat sa pagpapakilala ng sariling ako dahil sayo
Salamat dahil sayo naintindihan ko kung gaano ako kabobong magmahal
Laking pasasalamat ko na lang sa mga kaibigan kong laging nandiyan
Pumapatnubay, nagaaalala para sakin at alam nila na may halaga ako
Nilimot ko ng magustuhan ka sa isip ko pero di mo naman masisi ang puso kung ikaw pa din ang isisigaw nito
Kase simula nung malaman kong hindi ako ang para sayo nagpahinga ako at humanap tamang babae para sakin, sana tama na nga yung desisyon ko
Pero bakit parang halos lahat ng babaeng minamahal ko pareparehas lang akong di gusto, kesyo sa pangit ako, kesyo sa wala akong kwenta
Alam ko na wala akong kwenta pero sana naman maramdaman mo kung gaano kalaki ang pagpapahalaga ko sa isang taong kagaya mo
Pilit ko nilalayuan ang mga bagay na di mo gusto akala ko ikaw na talaga ang totoo pero bakit ganito
Nalilito ako, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko
Tila bang para kang isang malakas na sakuna na sa tuwing bubuhos ka ay pinaglalaban pa rin kita kasi nga mahal kita
Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin
Dapat ko bang sundin ang puso ko na ikaw pa din ang mahalin o
Sundin ang isip ko na may bakasakaling sa tamang panahon ay dumating ang taong para sa akin

____________________________________________

????????

____________________________________________

spokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon