"Mahal kita"

30 3 0
                                    

Muliakong gagawa ng tula at ikaw at ikaw pa rin ang magiging paksa
Hindi ko lubos maisip na ilang taon na ang nakakalipas simula ng tayo ay magkakilala
Lahat ng masasayang alaala ay tanda ko pa
Mga araw na nakakasama ka ay siya rin bumubuo sa mga araw na wasak ako
Ikaw din ang isa sa dahilan ng pagngiti at pagtawa ko
Hindi ko lubos maisip na nahulog ako sa kaibigan ko na laging nagsasabi ng mga problema niya
Simula nung makilala kita iba na ang Sayang nararamdaman ko
Sayang walang katulad
Sayang sayo ko lang nadama
Wala eh siguro ganon talaga kapag nahulog ka na wala na mahirap ng umakyat
Lagi na lang magpapadala sa mga ngiti mong walang katulad
Walang kapantay
Yung sayo lang wala ng iba
Kaya ayun mahal na kita, sana naman maintindihan mo ang nanaramdaman ko
Hindi ko toh sinulat para magsabi na gusto ko na
Kundi para maging matatag sa paglaban, paghihintay sa iyo
Hindi ko hiningi sayo kung hanggang kelan ako maghihintay
Ako na mismo nagdesisyon para naman hindi masakit kung masaktan man ako
Oo masakit pa rin yun pero syempre para sa ikakasaya mo edi magiging masaya na den ako
Kasi nga diba mahal kita, minahal kita hindi ko pinilit ang sarili ko na mahalin ka kundi mahal lang talaga kita
Mahal kita sa lahat ng bagay, mahal kita kahit di tayo bagay
Pero alam mo sa tuwing malalaman kong malungkot ka hindi ko napipigilang di magalala kase nga mahal kita
Sana madali lang sabihin na di na kita mahal pero hindi eh
Sobrang hirap, sobra pa sa sobra kase nga isa ka na sa bumuo at sumira ng mundo ko
Hindi ako nagsisi na minahal kita
Kundi isa ka sa mga pagsubok na pinili kong subukin kase nga mahal kita

________________________________

stay safe guis, always wash your hands, stay at home, God Bless us All!

________________________________

spokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon