"Magkaibigan"

91 3 0
                                    

Hindi inakalang magiging magkaibigan,magkaibigan na parang magkapatid ang turingan.
magkatabi palagi sa upuan.
palaging may mga bagay na pinag-uusapan.
parati ring nagkukulitan at nagtatawanan,
tila ba tayo lang dalawa ang tao sa mundo satwing tayo'y magkatabi ng upuan at nagkwekwentuhan.
bakit habang nagtatagal ako'y nahuhulog na sayo.
nahuhulog na, na kahit alam kong mali at hinding-hindi magiging 'tayo' ang 'ikaw at ako'.
pagbalibaliktarin man natin ang mundo hinding-hindi mabubuo muli ang pagkakaibigan natin kung itong pagtingin sayoy sasabihin.
bakit ba kay hirap mahulog sa taong kaibigan lang ang kayang i alay sayo.
kung pwede lang ipagtapat sayo at sabihing 'gustuhin mo nalang ako', 'mahalin mo rin ako gaya ng pagmamahal mo sa taong hindi ka gusto'
bakit ang dali lang isipin ang mga katagang iyan pero kay hirap bigkasin at sabihin sa harap mo.
bakit kasi ipinagsisiksikan mo ang sarili mo sa taong hindi ka gusto.
meron namang ako? ba't sya pa? ba't sya pa na alam mong hindi ka niya
kayang paligayahin katulad ng pagpapatawa at pagpapaligaya ko saiyo.
nagtapat ka sa kanya sabi niya kaibigan lang tingin nya sayo na friendzone ka kumbaga.
pero bakit ako'y idinamay mo sa sakit na iyong nadarama.
mga mensahe ko sayo sa facebook na seenzone mo lang.
hindi mo ba alam ? pinapalakas ko lang ang loob mo dahil kung nasasaktan ka mas nasasaktan ako kapag ika'y nalalagay sa mga sitwasyong ganyan.
bakit ba hindi nalang maging tayo?
sa aking pagwawakas sa tulang ito nais kong malaman mo na aking pagmamahal sayo ay hinding-hindi magbabago kahit daanan man tayo ng kay lakas na bagyo ng problema. salamat sa pagkakaibigan na ito.

_________________________________________________

mabilisangggg updeyt hihi

_________________________________________________

spokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon