"MAHAL"

90 4 2
                                    

Nakapikit ako habang pinakikinggan ang himig ng umiibig, halakhak ng mga taong sabik, at ang tunog ng kaba sa aking dibdib. Nakapikit ako habang pinakikinggan ang daloy ng tubig, hangin na nagdala sa “atin” at tibok ng puso kong tila ba may gustong sabihin. Nakaupo ako habang pinakikinggan ka. (Masarap pakinggan ang yung mga tawa) Nakaupo ako habang minamasdan ka.Nakaupo ako habang kausap ka. Sana lagi nalang kitang kasama. Samahan mo ako kasi ako.. Sasamahan kita.
Dinuyan mo ako sa baliktad mong mundo. Minasdan ko ang kada pag-lipat ko sa dulo. Bawat kanto ay may natatagong ngiti. Bawat sulok ay may napupulot na saya. Marami akong gustong makita gamit ang iyong mga mata. Habang tulog ka sa duyan, may mga tanong akong gustong malaman. Mahimbing ba ang pag tulog mo? Bakit mo tinatakpan ang mukha mo? Kumusta ang mga paniginip mo? Mga tanong na masasagot mo lang sa pag gising mo.
Hindi ko man maiguhit sa papel ang mukha mo gamit ang lapis na hawak ko, buo naman ang larawan mo sa isipan ko. Mga mata mong malalim na pwede kong sabihan ng mga natatagong kong lihim. Mga ngiti mong abot langit kung susukatin. Kakaibang Kalituhan, Ano nga ba itong nararamdaman? Palaisipang Kakulitan, Ang bumubuo sa iyong larawan.
Gusto kitang maging masaya. Kasi malay mo yung daan na tinahak mo, iyon pala ang daan kung saan magtatagpoan mo ung “tayo”. Tayo, hindi ko sinasabing siya, hindi ko din sinasabing sila. Malay mo tayo palang dalawa. Mga nakaraang tagpo, mga masasayang alaala sa malayo, mga kaibigang tumulong. Tingnan mo ang sarili mo, may mga taong ayaw kang makitang nakayuko. Gusto nilang makita ang yung ngiting abot langit, ngiting nang-aakit. ngiting nag dudulot ng saya.
Para kang tubig na yumayakap sa lupa. Ramdam ko ang kakaibang saya na dulot mo sa kada pag bangga mo sa aking bangka. Oo, ang sagot sa malinaw mong titig sa aking mga mata. Mga mata mong parang salamin na nakikita ko ang sarili ko na kasama ka. Ako, na nakangiti, masaya at nakatawa. Tumalon ako sa bangka na sinasakayan ko papunta sayo at Oo, hindi na ako takot malunod. Hindi ako takot sa madilim at malalim na lihim. Lalangoyin ko ang dagat ng pagmamahal mo at handa na akong mamatay at mabuhay sayo.
Nakapikit ako habang iniisip ka at sana sa muling pag dilat ko akin ka na.

_________________________________________________

Happy Porkey!!!!!!!
labyaaalll
DAINTY ELAIZAH FLORES MOLINA

_________________________________________________

spokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon