"MAHALIN ANG KABABAIHAN"

281 10 8
                                    

Tula ko po ito para sa mga taong nagmamahal at handang masaktan para sa taong mahal
Nais ko lang pong ipakita ang nararamdaman ko sa mga nakakasalubong kong couple sa daan
Minsan ang sarap isipin na merong nagaalaga sa mga babae katulad ng mga seryosong lalakeng handang makipagpatayan makuha lang ang pinapangarap na bituin samakatuwid baga'y ng babae

Ngayong araw ng pebrero malapit na ang araw ng puso
Maraming mga babae ang makakatanggap ng munting regalo at ang iba dito ay katulad ng ginagawa ko isang makabuluhang tula

Tula ang nais kong ibigay sa babaeng aking hinahangaan in short crush ko lang po alam ko marami pang regalo ang pwede kong ibigay sa kanya pero dito ko lang nasasabi ang lahat ng gusto kong sabihin sa kanya dahil ako po ay yung tipo na lalake na kapag nagkacrush ay natotorpe pero sa lahat lahat ng naging crush ko sa kanya lang ako nagkaganito napaisip ako
Crush mo lang ba talaga?o mahal mo na? 

Sabi ko sa sarili ko baka mahal ko na nga kasi sa kanya lang ako tinamaan ng ganito okay ayoko na pagusapan lovelife ko balik na tayo sa kwento

Sa araw ng pebrero maraming babae ang sasaya dahil sa meron silang kasintahan at meron din namang may kasintahan na hindi sasaya dahil sa masakit na bibitawan na salita ng lalake na "ayoko na,tapos na tayo" 

Hindi lang naman lalake ang nagloloko eh marami ding mga babaeng nanloloko sa puso naming mga lalake pero sangayon ako sa mga sinasabi ng ibang seryosong babae na hindi naman magloloko yan kung hindi niya naramdaman ang ganyang panloloko

Hindi dapat sinasaktan ang mga babae kahit na sila pa ang may kasalanan dapat handa tayong tanggapin na mali tayo at tama sila dahil mahal natin sila

Hindi natin to ginagawa para sa ating sarili kaya nga meron tayong kasintahan eh na dapat mas lalong papakatatagin ang pagmamahalan kahit na nagkakasakitan man ay masaya pa rin ang pagsasama 

Dapat tayo ay maging tapat sa pagmamahalang ating susumpaan para sa ikakasaya ng bawat isa yun lamang po akin na pong ititigil pansamantala ang tulang ito sana magustuhan niyo po 

Maraming salamat po!!!


___________________________________________

Pinagawa po ako ng kaklase ko kasi kailangan ng kanyang bunsong kapatid ang ganitong tula salamat po

____________________________________________


spokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon