"Balang Araw"

91 2 0
                                    

Pilit ko mang itago ang nararamdaman ko
Hindi pa rin nitong mapigilang isigaw ang pangalan mo
Pangalan mong hindi kayang ipinta ang saya ng aking kalooban
Pangalan mong pilit kong aabutin kahit saang lupalop pa man ng bansa yan
Pangalan mong nagbibigay motibo upang magmahal ako ng ganito sa isang tao
Masaya diba lalo na kapag ang lahat ng ito ay magkatotoo
Hindi man ngayon sana magkatotoo pagdating ng tamang panahon
Iba yung sayang binibigay mo saken sa tuwing makikita kitang natawa,pano yung saya?
Sayang kayang ipaglaban ang isang taong sumasaya sa piling ng iba
Kahit na hindi ko pa nalalaman kung ano talaga ang nilalaman ng iyong damdamin nais ko lamang sabihin na
Mahal kita kahit na mahirap ng paniwalaan na mamahalin mo rin akong pabalik
Pero kahit na mahirap paniwalaan ang lahat ng mga bagay na yan ay pilit ko pa ring sinasabi sa sarili ko na
Hangga't may pagkakataon ako na maghintay ay maghihintay ako kahit na gaano man katagal
Aking aabutin ang aking mga pangarap siyempre isa ka na don kasi ikaw ang pinapapangarap ko na mukuha
Hindi na ako susuko sa pagmamahal sayo madami ng mga nangyare sa buhay ko na masaya dahil kasama kita
Marami ding naghihintay sa tamang panahon na aking tinakda
Hindi na ako makapaghintay sa panahon na iyon
Sapagkat maaring luha at saya ang idulot non para sa ating dalawa
Basta ang lagi mo lang sanang tandaan MAHAL KITA

_________________________________________________

balang araw makukuha din kita
balang araw sa akin ka rin sasaya
Mahal na Mahal kita!

_________________________________________________

spokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon