"Sa Darating na Panahon"

74 2 0
                                    

Hindi mapigil ang nararamdaman
Hindi na alam kung tama pa ba ang pagmamahalan
Hindi na din naging iba ang pagtatampuhan
Madaming mga bagay na hindi na natin kayang isipin
Minsan nadarama na lang natin na tayo ay nagmamahal ng di natin nalalaman
Madami mang mga nakapaligid ikaw pa rin ang nakikita ng aking mata
Matang sayo lamang kumikinang
Matang hindi na kayang maipaliwanag kung ano ang nararamdaman
Hindi man ako ang gusto mo sa isang lalake pero pilit kong susungkitin ang pagmamahal na ibibigay mo sa akin
Siguro nga sa tamang panahon na lang ako aasa para hindi ako masyadong masaktan ng sobra
Tamang panahon kung san ang panahon ay maaring maging masaya o maging wasak na wasak na
Handa akong tanggapin ang lahat, lahat ng sakit, lahat ng pait at lahat ng panlalait
Madami mang babae ang dumating sa aking piling pero ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin sapagkat ang naniniwala ako sa isang kasabihan na kung magmamahal ka ng una wag mo ng pangalawahan
Masasayang lang ang lahat ng mga efforts na ginawa mo
Kaya eto ako hinding hindi na pipili ng ibang babaeng mamahalin kundi ikaw lang wala ng iba
Kung sa tingin mo di ko kayang gawin toh ayos lang ako basta sa sarili ko ikaw lang talaga
Basta ang hindi ko lang kayang tanggapin ay ang mapunta ka sa taong mas taso pa kaysa sa taong adik
Lagi mong tandaan na kahit di ako ang mapili mo nandito pa rin ako para sayo
Masaktan man ako atleast malalaman ko kung ano ang totoo
Pero ang hindi ko lang kayang ipangako na kapag ako ay nabigo ay agad ng lilimutan ang mga masasayang alaala na nakasama ka
Ako ay nagbabakasakali na mapili sa darating na tamang panahon
Sana naman hindi masayahang ang lahat ng mga paghahanda ko sayo
Hindi sa nanghihunayang pero masasayang lahat ng mga panandaliang saya na naramdaman
Masaya ako na makasama ka at masaya akong mamahalin ka hanggang sa wakas
Hindi kayang itigil ang lahat lahat
Mahal na mahal kita

_________________________________________________

hihi:>

_________________________________________________

spokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon