"Aming Guro"

123 4 0
                                    

Bago ko man ito simulan gusto ko lang pasalamatan aming mga guro na nagturo ng aming panibagong kaalaman.
Sa inyo namin natagpuan ang mga tanong at kasagutan,mga tama at kamalian at sa inyo rin namin nasimulan ang mga bagong karanasan,karanasan na kahit kailan hindi matutumbasan,hindi matutumbasan ng kahit ang mang yaman yan.
Salamat sa bawat oras,oras na ating ginugugol na may katumbas,salamat sa bawat oras na inyong inlalaan sa pagtuturo upang bigyan kami ng kaisipan.Kayo ang nagsilbing pangalawang Ama't ina nagsilbing pangalawang pamilya limang araw sa isang linggo kayo ay aming kasama tinuruan nyo kaming magsulat at magbasa,Dumamay sa aming lungkot at saya.
Sa mundo nating parisukat kami ay ginabayan nyo pa.
Kaya marapat lang na kayo ay pasalamatan namin diba?
Pero ngayon kami ay hihingi ng tawad kaya pasensya na pasensya na sa aming maling nagagawa tulad ng maling pananalita Pasensya na kung laging marumi ang silid-aralan sa tuwing kami ay maguuwian at pasensya na sa aming mga kakulitan sa pinagsasabi namin na naririnig mo kahit walang katuturan,sa pagiingay namin na walang katapusan. Pero di nyo kami pinabayaan bagkos kami ay inyong pinayuhan.
Kahit bakas ang lungkot sa inyong mukha pinipilit nyo paring ngumiti upang aming atensyon inyo pang makuha.pero salamat ulit sa pagbibigay ng pangalawang pagkakataon samin na magbago at baguhin aming direksyon .at eto na sana ang magsilbi naming leksyon upang ang pag-aaral ay mabigyan namin ng inspirasyon. At kayo amg nagsilbi naming inspirasyon na magsumikap na abutin aming mga pangarap sa hinaharap kahit na mahirap kaya salamat salamat sa lahat.
Wala man kaming mabigay na materyal na bagay pero eto aming munting likha sa inyo iniaalay kayo ang nagbigay sigla sa aming mundong puno ng tamlay dahil kayo ang naging gabay na piliting iangat ang mga kakayahang samin ibinigay.

_________________________________________________

Happy Teachers Month!!!!!

_________________________________________________

spokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon