"MAHAL KITA"

150 3 0
                                    

Dalawang salita
Nang dumating ka'y
Dumarami ang kanyang diwa.
Sa 'twing sinasambit ko ito,
Hindi ko maiwasang maisip ka, mahal ko.
Dalawang salita
Na nagsilibing panimula ng ating kwento
Kwentong akala ko'y walang hanggan ang kanyang patungo.
Lahat ng 'yong pinangako,
Tila'y isang kahoy na napako.
Kaya ngayo'y akala ko'y may tayo.
May tayo nga ba, mahal ko?
Dalawang salita.
Na akala ko'y totoo.
Sa libo-libong tao,
na'y kanilang kwento'y nagpapatuloy.
Dalawang salita.
Na sana'y mabanggit pa ng aking bibig,
na minsa'y nagsasabi na para lamang saiyo.
Na sana'y marinig mo pa,
mula sa akin.
Mula sa akin, na punong puno ng pagmamahal
Walang pagmamaktol, mahal.
Pagmamahal na tunay, aking sinasabi. Mahal.
Ngunit ngayong hindi ko maintindihan kung may tayo pa ba?
Mahal, may tayo pa ba?
Para saakin, may tayo pa.
Ikaw mahal?
Mahal, bumitaw ka na ata.
Mahal, tanggap ko.
Basta't masaya ka kung saan ka patungo.
Bagkus na sa aking dako'y
Tila'y napabayaang bodega na sobrang magulo.
Bahala na mahal.
Basta't mahal kita.
Ngunit, nang magising ako sa aking diwa.
Nang mapunta ako sa katotohanang,
Isa lamang ako nangangarap na makasama ka.
Nagkakandarapa sayo, sa dami ba namang kababaihan na nakakaagaw ko.
Paano ba kita makakasama, mahal?
Paano?
Paano mo ako maririnig na sambitin ang "mahal kita"?
Sa isang milyong kilometrong layo.
Sa malalalim na karagatan.
Sa isang bilyong tao pumapagitan sa ating dalawa.
Hindi mo ako kilala.
Hindi mo ako kilala,
sa mundong punong puno ng mahal kita.
Aking "mahal kita" ay para lamang sayo, sa lalaking kagaya mo.
Sana mapagtantuhan mo.
Ngunit aking naalala uli'y
Lahat nang iyan ay nagaganap lamang sa isang paraisong hindi mo mapupuntahan.
Sa isang panaginip, na imposibleng mangyari sa totoong buhay.
Sa lahat ng sinabi ko, mahal.
Tagahanga padin naman ang turing mo sa akin.
Kaso, mahal na kita.

_________________________________________________

labyoooo krass yieeeeeeee

_________________________________________________

spokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon