hindi ko alam

12 1 0
                                    

Gusto kong ikwento lahat nang masasayang nangyari sa buhay ko, pero paano? Paano ko sisimulan ang istoryang ikaw ang pinagmulan
Paano ko sisimulang aminin simula nung una pa lang ay matagal na kitang minahal
Matagal na kitang nagustuhan
Matagal na kitang pinagmamasdan
Nagsimula sa tukso ng kaibigan, di namalayan nahulog na ng tuluyan
Ako ay humahanap ng magandang paraan upang sabihin sayo ng malapitan na kung gaano ka kahalaga sa akin
Ikaw ang dahilan ng aking pagngiti, ikaw ang dahilan kung bat ako umibig muli
Ako'y naging sawi pero nung dumating ka sa buhay ko ako'y nagkalakas muli
Nagkalakas ng loob upang lumaban, upang ika'y ipaglaban dahil ikaw ay aking mahal
Naalala ko pa nung una kitang nakita, akala ko nung una di kita makakasama
Akala ko mahihirapan ako ng sobra, oo sabihin na nating nahirapan ako pero wala ang lahat ng hirap na iyon sa tuwing ikaw ay makakasama ko
Naalala ko pa nung mga araw na hinihintay kita, hinihintay kitang masundo ng iyong magulang
Syempre ako naman ay pasimpleng tumitingin sayo
Kase alam mo naman dati ako'y torpe
Makita ka lang sa maghapon buo ang araw bonus na lamang ang makapagpaalam sayo
Hanggang sa dumating ang araw na mag-isa ka sa may upuan sa kantina, walang kasama tila ba parang malalim ang iniisip ako'y hindi na nakapigil nilabanan ko ang takot at kaba at ako ay lumapit sayo tinanong ka.
Miss anong problema? Mukhang anlalim yata ng iyong iniisip, handa akong makinig kung iyong mamarapatin. Hindi ko alam kung paano ko nasabi iyon ng madalian, tila para bang tumigil ang buong paligid ikaw at ako ay nakakititig sa isa't isa, tila bang parang tayo lang dalawa ang tao sa mundo walang nakakakita at walang nanggugulo
Nitigil ang pagtitig sa isa't isa nang sa di kalayuan ay paparating na ang iyong mga kaibigan, ako'y natulala ng sabihin mong, baka matunaw naman tayo niyan sabay tawa ng sabay. Ikaw ay nagpaalam at ako naman ay tumango. Ang weird diba dahil sa pagtitig mo sakin mahal na kaagad kita.
Alam kong tunay na pagmamahal ito at wala itong katumbas
Simula nung tayo'y nagkatitigan tayo ay nagkakausap na ng personal
Naging malapit sa isa't isa o sa tinatawag na malapit na magkaibigan.
Minahal ko ang aking kaibigan
Minahal din ako ng aking kaibigan
At ako'y nagising na sa panaginip na saakin ay nagpasaya ng sobra dahil sa lahat ng nangyare sa panaginip kong iyon ay siya ring kinalabasan ng pagibig ko ngayon.

_____________________________________

request non
belated h v day

_____________________________________

spokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon