"PAPEL"

12 1 0
                                    

Isang bagay na marupok, madaling masira, at madaling itapon. Papel isang bagay na kailangan natin sa pang-araw-araw na edukasyon, pero napapahalagahan ba natin ang mga nakasulat dito? Mga emosyon na sa sulat sa papel na lang madadala mga hinanakit na nadarama. Ano nga ba ang mahalaga yung taong pinahalagahan ka o yung taong pinahahalagahan mo? Wala pang sagot sa tanong mo pero alam ko naman na kaya mong solusyonan ang mga bagay na ito, dahil alam kong matapang ka kaya mo siyang ipaglaban, kaya mong pahalagahan ang isa kahit na di mawala ang sakit na madarama. Mahalaga ang isang papel sa buhay natin dahil kung walang papel ano na lang ang magiging silbi ng panulat na iyong hawak upang isulat ang mga tulang nagbibigay lakas sayo. Alam naman natin na madaling palitan ang papel pero bakit ang hirap palitan nung taong minsan mo ng pinahalagahan, minsan mo nang pinakitaan ng mabuting asal at tanggap ka maging sino ka man. Sana ganyan ka lagi, sana wag ka magbago, sana tandaan mo lagi akong nandito para sayo. Pero paano yun nahulog ako? tama bang mahulog ako sa isang tulad mo? tama bang ipagpatuloy ko to? tama ba yung sinisinigaw ng puso ko eh ang pangalan mo? tama ba? Hindi kita mamadaliin sa mga bagay na ganyan, wala pa din naman akong balak na ipagsabi ang lahat ng yan dahil ang mahalaga sa akin ngayon ang ating pinagsasamahan ang ating pagkakaibigan, salamat sa papel na nagsilbing sandalan ko sa tuwing ako ay malungkot, masaya, may problema o kahit ano pa, Dahil sa papel na yan naisulat ko ang lahat ng mga ito hindi dadami ang makakakita nito kung di dahil sayo. Isa ka sa mga bagay na gusto ko lagi kong dala, Ikaw naman ang gusto ko makasama habang ako'y nagsusulat ng mga tulang ikaw ang laging paksa. Ikaw na talaga, hinding hindi na ako maghahangad pa ng iba kuntento na ako sa nakilala kong ikaw. Salamat, Mahal kita


                             ________________________________________________

Happy 10,000VIEWERS!!!! MAHAL KO KAYO

SALAMAT SA PATULOY NA PAGSUPORTA

                            ________________________________________________


spokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon