"Backread"

19 0 0
                                    


Backread, sa tuwing maririnig mo ang salitang ito ano ang mga salitang naiisip mo? Alam mo sa tuwing maiisip ko ang salitang to ang unang salitang pumapasok sa isip ko ay ikaw, Oo ikaw kasi ikaw lang naman ang dahilan ng pagbalik ko sa mga araw na lugmok ako, pero isa rin yan sa dahilan ng lungkot ko. Bakit? kasi sa tuwing makita ko ang mga pangako mo umaasa pa din ako na sana magkatotoo, sa totoo lang iniiwasan ko ng alalahanin ang lahat pero wala eh hindi ko magawa bakit? kasi nga nagpakatanga na ako sayo, binigay ko na lahat ng atensyon ko sayo, kahit sa pagtulog ko pangalan mo pa rin ang inaalala ko, pero bakit parang ansama naman masyado ng tadhana? Alam mo yun pinaramdam niya sayo ang lahat ng emosyon sa isang pagkakataon lungkot, saya, panghihinayang at sakit. Siguro kaya ko naman lagpasan to ng walang hinahanap na ikaw, ikaw lang din naman kasi yung dahilan ng lahat ng to eh, minsan ko ng pinigil ang sarili ko na huwag ng balikan ang nakaraan pero bakit sa tuwing magpaparamdam ka di ko maiwasang maalala ang lahat, lahat-lahat sana di mo na lang ako pinangakuan sabi ko naman sayo ang ayoko sa lahat eh ang salitang pangako, kasi nga ika ng iba lahat ng pangako ay napapako, sana yung pangako mo dinaan mo na lang sa gawa hindi sa salita, minsan kasi mas nakakasakit pa rin talaga yung salita kaysa sa gawa eh mas maganda ng masaktan ako ng pisikal kasi magkasugat man ako hihilom din yan pero paano na lang ang emosyon ko? paano na lang puso ko? Alam kong hindi ko dapat ginagawa to pero katulad mo lang din akong isang tao may damdamin at nasasaktan din umiiyak, nagagalit, nagmamahal at sana huwag na tayo umabot sa panahong kalimutan ka, hindi ako hahanap ng iba mananatili akong ako hindi ako magbabago, kasi di naman ako ang nagbago sa sarili ko kundi ikaw, ikaw mismo pero di ko pinagsisihan to kasi nang dahil sa iyo natuto akong magmahal ng tunay at totoo walang biro at loko. Tandaan mo lagi pa din akong nandito para sa iyo, ayoko nang balikan ang nakaraan ayoko nang paulit ulit na masaktan, ayokong makitang naawa sa akin ang mga kaibigan ko, ayoko din maglihim sa kanila pero eto ang ginagawa ko wala ni isang salita ang nabanggit ko sa mga problemang meron ako, ayoko na basta magiingat ka


____________________________

sana nasulat ko kung ano man ang nararamdaman mo ngayon, kaya mo yan laban lang


____________________________

spokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon