nararamdaman

15 0 0
                                    

Ngayon ko na ulit naramdaman yung ganitong pakiramdam
Di ko masabi kung paanong pakiramdam ba yon
Basta halo halo
Nandon yung saya, lungkot, at pagdudusa
Saya na muli kang nakita
Lungkot na dahilan ng kung ano ano man
Pagdurusang nadarama dahil naging tanga at mabagal
Sana pala nung una palang sinabi ko na sayo
Gusto kong sabihin sayo na sa loob ng halos apat na taon
Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito
Kahit pa walang tayo
Kahit pa di ko alam ang gusto mo
Ikaw lang din ang babaeng lubos na nakilala ng mga magulang ko
Bahayaan mo sa darating na panahon
Gusto kong iparamdam sayo yung pagmamahal na walang makakatulad
Pagmamahal na di ka magsasawa
Pagmamahal na tatagal na pang-habang buhay
Habang buhay pa ako
Ipaparamdam ko sa iyo kung gaano ka kahalaga sa piling ko
Kung gaano ka nakatulong sa mga problemang pinagdaanan ko
Ikaw ang isa sa naging lakas ko
Isa ka din sa dahilan kung bakit ako nagsusulat ng ganito
Gusto kong ipahiwatig ang nararamdaman ko sayo sa pamamagitan nang pagsusulat
Bayaan mo darating din yung panahong masasabi ko sa iyo ito ng harap harapan
Salamat nga pala sa mga oras mo na inilaan para sa akin
Sabihan mo lang ako kung nakukulitan ka na
Handa kong baguhin yon
Handa akong tumigil kung gusto mo
Pero di ako titigil sa pagmamahal ko sayo
Salamat sa isang araw na nakita ka
Salamat at nabigyan na naman ako ng lakas upang sumulat ng ganito
Salamat sa kaunting oras na nakausap ka
Salamat sa lahat
Mahal

spokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon