SUSUKO O LALABAN

320 3 7
                                    


Isang tulang nais kong ibalangkas sa lahat ng taong sumusuporta sa mga tulang aking naisulat
Susuko o Lalaban? tanong sa akin ng aking sarili
Lalaban ang aking sagot sapagkat kahit na masakit na ay kaya ko pa ding ipakita na lalaban ako sapagkat ikaw ang mahal ko, pero naisip ko na ding sumuko pero hindi ako magpapatibag kase akin ngang naipangako sa aking sarili na wala ng ibang babae bukod kila ate at mama ang mamahalin ko hanggang sa huli, hanggang sa huli mamahalin kita kahit sobra na ang sakit na nadama ko
Alam mo naman na masiyahin akong tao pero sana kapag nakita mong nakaupo ako sa isang tabi na para bang walang alam kung ano ang nangyayari sa mundo, pwede bang yakapin mo ako ng mahigpit
Mahigpit na yakap na galing sa isang kaibigan na kayang pagaanin ang poot na nararamdaman mo sa iyong loob
Hindi ko susukuang mahalin ka kahit na ako ay isa lang sa mga pampalipas oras mo
Salamat sa mga masasayang alaala na hinding hindi ko makakalimutan
Hanggang sa tayo ay tumanda man kung hindi ikaw ang makakasama sa pagtanda, edi tatanda na lang akong binata
Mananatiling magpapasaya sa mga taong sawi at nasaktan ng dahil sa pagibig
Iiyak na sana ako eh kaso sayang naman kung di mo dama na mahal kita
Oo, sinabi mo na mahal mo ako pero alam kong meron paring isang tao ang gusto mo, at hindi ako yon
Basta kapag masaya ka na sana wag mo akong kakalimutan yung mga lokohan natin sa chat pati na din yung mga memories na nabuo hinding hindi ko iyon malilimutan magpakailanman salamat sa lahat mahal na mahal kita

______________________________________

       salamat sa lahat ng sumusubaybay sa aking talambuhay na tula, hinding hindi ako magsasawang gumawa ng tula para sa inyo!

______________________________________

spokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon