"Parang Tayo Pero Hindi"

127 4 0
                                    

Uy kamusta ka? naaalala mo pa ba ako? ako nga pala ito yung kaibigan mo na umasa sa salitang tayo,
kamusta ka? naaalala mo pa kaya ang lahat sa ikaw at ako?
Naaalala mo ba kung sa paano nagkasalubong tayo
Sa kung paano ang mga balahibong ito ay biglang tumindig Sa kung paanong naramdaman ko ang unang pagibig 
Sa kung paano ako ay nataranta ng natataranta at nagliligalig
Tanda ko pa nung una tayong nagkita 
Ramdam ang lamig dala ng kalawakan
 Ang liwanag na dulot ng lahat buwan
Ramdam ko ang init ng araw na tumatama sa aking katawan
Mahirap ipaliwanag pero patawad ito ang aking naramdaman
Kupido tama ba na pinana mo ko sa taong ito? O baka malabo na ang iyong mata at hindi na asintado 
Pero sige susubok ako susubukan kong intindihin itong nararamdaman ko
Baka totoo to baka tama to baka ikaw na nga ang itinadhana para sa tulad ko 
Kaya ayun siguro kaya pinilit ko ang sarili ko na malapit sayo
Sinubukan kong alamin ang mga ayaw ang mga gusto mo 
Sinubukan kong ibigay ang lahat ng oras ko sayo Ibigay ang gusto mo puntahan ang mga lugar na gusto mo okay lang  kahit nakakapagod basta ikaw ang kasama ko 
Bakit nga ba ako mapapagod kung ikaw ang kasama ko ang lakas ko? 
Naalala ko pa sa kung paano mo ko tinawanan nung una ako nadapa sa harapan mo 
Naaalala ko rin sa kung paano ko inalis ko ang mga dumi sa muhka mo
Naaalala ko rin nung unang hipan mo ang napuwing na mga mata ko 
Naalala ko ang lahat ng ito Ikaw mahal ko tanda mo pa ba? 
Kase mahal ako tandang tanda ko pa lalo na sa kung paano tayo ay pinagtagpo
pero ang sakit ang sakit sakit lang isipin oo tayo ay pinagtagpo pero ang sakit dahil hindi pinagtadhana ang tayo
Naalala ko rin Sa kung paano tayo magharutan sa kung paano tayo magkulitan 
Nakakatawa lang kase napagkakamalan na tayo ng ating mga kaibigan pero kasunod non oo nga eh sana nga,
sana na nga kami
sana nga kami nalang kaso hindi kase mahal parang tayo pero hindi.
sabihin mo nga saken sinta ako lang ba ang nakakaramdam ng lahat ng ito?
dahil naniniwala ako hindi ito hanggang dito nalang hindi ito laro
hindi ito landian hindi ito wala lang alam ko nararamdaman ko meron at meron ito
kaya sinta o mahal sabihin mo naman pakiusap dahil minsan ang hirap ng ganito
na parang nangangapa ako sa dilim di ko alam kung kelan ako babagsak o gaano kalalim
kaya bigyan mo ko ng babala kung malapit na bigyan mo ko ng babala hindi ng pagbibigay motibo dahil sa totoo 
ayoko ng ganto ayaw ko ng ibinibigay mong motibo ang hirap nakakaloko nagmumuhka akong gago dahil iniisip ko meron ang lahat ng ito hindi hanggang dito nalang at maraming salamat dahil naniniwala ako meron at baka totoo baka meron ka ring nararamdaman sa tulad ko 
pakiusap sabihin mo kung meron talaga o wala
para sa wakas matapos na tong kalokohan ito di ko na isipin ang meron dahil ang totoo ay wala
at para sa wakas matanggal na ang lubig sa puso ko na ang tagal nang nakatali
mahal naalala mo paba? o hindi?
yung Parang tayo pero hindi?

_________________________________________________

wala namang jowaaaaa

_________________________________________________

spokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon