"Sana Ikaw na ang Huli"

26 1 0
                                    


Bakit ganon, nung nagsisimula pa lang tayo eh andami ng pangakong napangako ko sayo, sabi nila lahat ng pangako ay napapako pero yung pangakong sinabe ko sayo, ikaw mismo ang pumako, bakit? Sabihin mo sa akin san ako nagkamali, sabihin mo sakin lahat ng pagkukulang ko sayo, pakikinggan kita kasi yun lang naman, ayokong magkanito tayo pero wala naman akong magagawa kasi wala pang tayo akala ko tamang panahon na alng ang iniintay ko para sagutin mo na ako ng oo, kasi ipinaramdam mo sa akin na ganon eh kahit di ko isipin nararamdaman ko din, bakit bigla ka na lang nagiba ng pakikitungo sa akin hindi naman ako nagkulang sa pagbibigay ng pagmamahal sayo ang hirap tanggapin alam kong may hindi ka sinasabi sa akin, Oo alam ko naman na di lahat ng bagay ay dapat lagi kong alam pero relasyon natin ang nakasalalay dito ayokong masira tayo ng ganyan kadali, hindi ko hiniling ni minsan na masira ang saya na nararamdaman ko at mapalitan ng pait, lungkot at sakit, hindi ko sinabi sayo yung pangakong sanasabi ng puso ko kasi handa kong iparamdam sayo yun, kasi tignan mo magiisang taon na tayong nagmamahalan, sana minahal mo den ako kahit papaano, minahal kita ng buong puso ko kahit na hindi pa tayo, masaya nga ako sa ganon eh di pa tayo pero yung pagiging malapit natin sa isa't isa daig pa opisyal na magkasintahan, akala ko tamang panahon na lang, akala ko lang pala yon kasi sa huli nasa iyo pa din ang desisyon wala sa akin kasi ang papel ko lang naman eh manligaw, ibigay yung pagmamahal na dapat para sayo, magregalo kung kaya, hindi ko lubos maisip bakit ka nagkaganito mahal kita pero kung ayaw mo na talaga titigil na ako hindi na ang maghahabol, hindi na ako mangungulit kasi hindi tayo nag work, sabe mo may problema ka, handa naman akong makinig eh pero bakit imbis na sinabi mo sa akin yung problema mo ehh ano tong ginawa mo sakin parang pinasahan mo lang din ako ng problema, yung problemang di ko alam kung kakayanin ko, di ko alam kung makakalimutan ko, kasi yung binigay mong problema tumagos sa puso ko, kesyo takot ka sa mga consequences na mangyayare kung ipush natin ang relasyon natin, kasi kahit ako man ay magkaroon ng consequences na ganyan handa akong harapin yan kasi mahal kita ipaglalaban kita sa lahat, handa akong ipagsigawan ang pangalan mo sa kanila, handa akong mahalin ka habang buhay pero bakit ka natatakot, ipaalam mo sakin kung bakit kasi gulong gulo na isip ko kakaisip sa mga salitang ganon na lang kadali para bitawan mo at sabihin sa akin, di maiibsan ng sorry ang lahat ng salitang sinalita mo pero ano naman ang magagawa ko, Tanggap ko na ang pagpapatawad mo ewan ko lang sa puso ko kasi akala ko ikaw na ang huli, Mahal kita pero hanggang dito na lang tayo, paalam.....


_________________________________________________________

Patawad Paalam:)

emel<3

__________________________________________________________



spokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon