"OKAY LANG"

86 4 0
                                    

Ang sabi  mo sakin walang magbabago,
Di ko inakala na ito'y maglalaho.
Ang daming naiwan,
na di maiwasan ng pusong sawi
na di nagwagi sa iisang hangarin ng  taong ang gusto lang ay ang mahanginan ng nagdadalumpate mong mga labi.
Pero masakit isipin na
May mga tanong  na di masagot sagot,
May mga panahon na di mabalik balik,
At may mga salita na di na dapat isinasabi
Pero sa bawat pagbigkas ng  mga letra sa aking mga labi,
Unti unti itong nakakaramdam ng pagkabighani sa iisang mithi,
Hindi lang isa,  dalawa,  tatlo o sa isang libong numero na pilit gustong sabihing...
Mahal kita
Mahal kita, kahit ako'y maging tanga
Mahal kita, kahit may iba na,
Mahal kita, kahit ang sakit sakit na.
At dahil Mahal kita,  tatangapin ko lahat ng nakikita ng aking mga mata,
Ang aking mga mata  na pilit ibinubuka para makita ka,
Sapagkat Mahal kita.
Hindi man ikaw ang para saakin asahan mong sa bawat Letra at hangin na lumalabas sa aking malalambot at maninipis kong labi..
Ikaw lang ang gusto nitong masabihang.. 
Ikaw!
Ikaw ang gusto kong makasama
Hindi sa araw araw,
Kundi sa araw ng  aking huling hininga.
Pero mukang hanggang dito nalang ang lahat ng  gustong mangyare?
Ako bay gising na sa panaginip na ang akalay totoo?
At ang gusto'y maibalik ang dating tayo?
O sadyang naniniwala lang sa mga pangako mong  napako?
Gising!  Imulat ang mga mata na puno ng luha, luha  na ayaw tumigil sa pagpatak na para bang kandila na patuloy sa pagdaloy hanggang sa itoy matuluyang mawala, mawala ang iyong nararamdaman sa akin
Basta ang saakin lang ay lagi kang magiingat sa mga taong nakakasalamuha mo sa iyong dinaraan
Okay Lang, kahit nababalewala,
Okay Lang,  kahit nasasaktan na,
Okay Lang, kahit may iba na..
Okay Lang Kase Mahal na Mahal kita.

_________________________________________________

itong tulang ito ay hindi para sakin kundi para sa mga taong nasaktan at handa pa ding masaktan dahil sa mahal niya

_________________________________________________

spokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon