6. The Heartbreak

10.3K 133 1
                                        


Kath's POV


"Anak.. Okay ka lang ba?"

Matapos kong marinig at malaman yung tungkol sa ginawa ni DJ? Magiging okay pa ba ako?

"Ma. May mali ba saken?" Nagsimula ng tumulo ang mga luha sa mga mata ko.

"Anak, wala. Wag ka muna maniwala hanggat walang explanation si DJ."

Nasasaktan ako. Umiiyak ako. Ganito ba dapat ang maramdaman ko? Pero kahit anong tatak ko sa utak ko, na hindi totoo yun at mahal ako ni DJ, parang niloloko ko lang yung sarili ko. Mas masakit kase hindi ko kayang tanggapin yung katotohanan.

Nandito kami sa tent ni Mama. Taping ng Wansa ko. Buti tapos na yung trabaho bago ko malaman ang tungkol dun. Nakita ng isa sa staff ang audio issue sa social media habang break kanina. Hinintay nyang matapos ang lahat bago itanong sakin kung alam ko daw ba iyon. Kumalat na yun sa twitter, fb, at sa iba pang sites. Hanggang sa ipalabas na sa balita. At saka nagsimulang hindi tumigil sa kakatunog ang phone ko.

Nagtext sakin ang mga close friends, showbiz friends, relatives. Tinatanong nila kung nag usap na daw ba kami ni DJ. Kung totoo daw ba lahat ng nasa audio. Kung kamusta ba ako. Pero ni isa sa kanila, hindi ko sinagot. Isang tao lang ang gusto kong makausap sa ngayon pero hindi ko alam kung kaya ko. Kaya ko bang malaman ang totoo? Hindi nya na ba ako mahal? Kung hindi na nya ako mahal, kaya ko bang tanggapin yun? Iniisip ko palang, ang sakit sakit na.

"Anak.. Tumahan ka na please. Kausapin natin si DJ. Wag ka muna mag conclude okay?"

"Conclude? Hindi na po kailangan mag conclude Ma. Malinaw na yung narinig ko." Pinunasan ko na yung luha ko at tumayo para ayusin ang gamit ko.

"Anak, hintayin daw natin si DJ. Malapit na daw matapos yung trabaho nya. Nagtext sya sakin. Kakausapin ka nya anak."

"Umuwi na po tayo Ma. Pagod na po ako."

Tahimik lang ako sa sasakyan hanggang sa makarating sa bahay. Alam kong alam na nilang lahat kaya naka abang sila nung dumating kami ni Mama.

"Okay lang po ako. Wag na kayong mag alala." Saka ko tiningnan si Kuya, Papa, Ate Tin, Kuya Marco at sina Tita. Napapunta siguro sila dito ng wala sa oras dahil dun.

"Hindi ka ba nagugutom anak?"

"Hindi po Pa. Pahinga na po ako. Sige po."

Umakyat ako sa taas para mag ayos at matulog. Naka silent lang yung phone ko, dahil simula kanina ayaw pa rin tumigil sa kakatunog. Nandun na rin yung tumatawag ang mga media para hingin ang reaksyon ko tungkol sa issue.

Pakiramdam ko napagod ako bigla. Hindi dahil sa trabaho kanina. Hindi ko alam pero parang nanlambot ako at nanghina. Gusto kong magsisigaw sa galit, magbasag ng gamit sa inis at umiyak. Pero tanging pag iyak lang yung kaya kong gawin. Ang bigat bigat sa pakiramdam. Para akong dinag-anan ng sobrang lalaking bato sa dibdib.

Iniisip ko kung anong mali saken. Iniisip ko kung may nagawa ba kong mali. Deserve ko ba yung ginawa ni DJ saken? Ako ba talaga ang may kasalanan kaya sya humanap ng iba? Iyon ang sinasabi ng iba sa twitter. Pakipot daw kase ako kaya sya naghanap ng iba. Ano bang alam nila sa sinasabi nila? Diba ako dapat ang masaktan dito? Ako yung niloko.

Narinig kong may kumakatok sa pinto. At bumukas ito, si Mama.

"Bunso, wag ka muna please magbukas ng accounts mo. Okay?" Saka ko ni log out yung twitter ko.

Off The Record (OFFCAM)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon