26. His mischievousness

7.5K 108 3
                                    



Daniel's POV


It's a weekday at nasa trabaho kami. We're here at the location for Pangako taping. At bukod dun, finals din ng Golden State Warriors!


"Yung pustahan natin pareng Daniel ah!"


"Oo na, Jeff! Sure naman akong talo ka, sa galing ni Steph huh!"


"Ang yabang grabe!"


"Di ka na nasanay kay DJ. Bestfriend niya si Stephen. Close sila. Hahaha!"


"Ah ganun ba? Haha"


Sinamaan ko lang ng tingin si Kathryn sa sinabi niya. Yung tingin na may balak? De joke.


Aba. Bestfriend ko daw?! Di bale sana kung totoo eh! Hahaha


"Mamaya ka saken." I mouthed to her pero humagalpak lang siya ng tawa. Ang lakas din talaga ng trip ng Bal ko.


Sa kalagitnaan ng laro, panay lang ang cheer ng lahat sa kani-kanilang pambato. Mas tumaas ang intensity dahil last quarter na. Pero mas nae-excite ako kapag nagpapaulan na ng 3 points si Curry. Narinig siguro nila tita Min na nagkakagulo na, akala yata nila may sabong. Haha! Pumunta na rin sila at nakinood.


At sa huli nga, tinaguriang champion ang Golden State!


Agad akong tumakbo sa kubo kung saan kami nags-stay. Halos madapa na nga ako sa excitement!


--

Kathryn's POV


So panalo si DJ sa pustahan nila. Lumabas siyang suot ang uniform niya ng GS. Feel na feel niya na part siya ng Warriors. Ewan ko ba dito, die-hard fan din eh!


"Congrats daniel!" Bati sa kanya ng staff.


"Salamat po, salamat." At may pagbow pa siya, akala mo naman naglaro?!


Lumapit lang ang ibang staff na close niya at parehong team GS. Nag take sila ng solo pic ni DJ na nakaganon. At as usual, feel na feel ng Bali ko.

Off The Record (OFFCAM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon