50. Shape of You

5.2K 138 5
                                        


"Tol ano ba yan? Turuan mo nga ako niyan."


"Ganito kase bro, pindutin mo lang yung​ live tapos matic na yan."

Nag demo sakin si Patrick. Nagpipindot sya sa phone niya habang nanonood lang naman ako. Hindi pa kase ako nauusuhan ng live live na yan eh. Malay ko bang meron na pala niyan.

"Makikita ko ba sila o ako lang makikita nila?"


"Ikaw lang makikita nila orb. Tapos may comment section, eto. Diyan mo sila makakausap. Try mo bro! Matutuwa mga fans mo."

"Ahhh. Sige next time pag medyo wala na talaga akong magawa."

"Bro, imposible naman yan! Wala ka naman masyadong free time! Haha!"


"Meron yan! Haha. Hindi ba pwedeng makita ko rin sila? Parang ang weirdo naman na kausap ko lang sarili ko habang nagbabasa lang ng comments."

"Bro, baka pag nangyari yang gusto mo, mag crashed ang IG sa sobrang dami mong fans." Pang aasar ni Pat.

"G*go! Tama na nga. Kay Kathryn nalang ako magpapaturo. At least si Kathryn, hindi ako binabastos!" Tumayo ako sa upuan at pumasok sa bahay ko.


Yes, guys. Buong buo na yung bahay ko! May swimming pool pa. Grabe pwede na kami bumuo ng -- secret pala. 😏

Eto, normal na araw na nandito ang mga kaibigan ko. Diba ako nga ang pambansang "home boy" kaya nandito na lahat sa bahay ko ang mga gusto ko gawin. Name it! Billiards, pool, court? Actually, kumpleto na nga eh. Isa nalang ang kulang..

"Bro, phone mo nagri-ring. 'Bali Calling' wow talaga nga naman inlab na inlab ang hari.."

"Pasalamat ka, Pat barkada kita. Kung hindi baka kung saan ka na napadpad.

De biro lang! HAHAHAHA!"


"Sagutin mo na, bro! Ang dami mo na namang sinasabi." Napakamot nalang si Patrick sa batok.

HAHAHAHAHA WALA KA PALA EH!


"Hello, Bali??"

"Hello, Bal. Where are you?"

"Saan pa ba edi nasa bahay. Haha! Ikaw, Bal ang nasaan?"

"Hmm. May dance workshop lang kaming a-attend-an baka hanggang afternoon yun."

"And you're with?"

"With Arisse, Bal."

"Ahh. Kumain ka na? Kumain ka muna bago kayo mag workshop, baka magutom ka."

"Okay. I'll just inform you every now and then."

"Hindi naman masyadong kailangan, Bal. Si Arisse naman ang kasama mo kaya panatag naman ako. Basta ingat kayo ha."

"Okay, you too. Kain ka na din, love. Bye! Love you."

"Okay, bye. Love you Bal."

Pagkababa ko palang ng phone narinig kong pumalakpak si Patrick ng malakas.

"G*go anong problema mo?!"

"Wala pinapalayas ko lang yung mga langgam sa paligid mo. Grabe bro, hindi ko alam na ganyan ka ka-whipped kay Kath."

"Sa kalapati yang palakpak na sinasabi mo. Saka tigilan mo nga ako, tawagan mo na si Diegs, Marco at Joshua! Ano, isang oras na sila late? Traffic papasok ng village?"


Off The Record (OFFCAM)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon