29. Fanboy

9K 148 9
                                        


Daniel's POV


Pauwi na ako galing sa isang shoot. Nakakapagod yun ah! Buti nalang nagpapalitan kami ng text messages ni Kathryn kapag break.


Kinuha ko ang phone ko sa side pocket ng jogger pants ko. Binuksan ang message at nagtype para kay Kathryn.


Bal, uwi na ko. You sure ayaw mo kong dumaan diyan?


Sent!


Nagpatugtog nalang muna ako habang nasa byahe. Dahil as usual, aabutin na naman ako ng siyam siyam sa daan dahil sa traffic. Kumusta naman yon? Hindi na naayos 'tong problemang 'to ah.


Nagvibrate ang phone ko at lumabas ang mukha ni Kathryn. Call.


Bakit naka silent 'to?


"Hello mahal?"


"How's your day?" Malambing nyang tanong.


Odiba parang asawa lang? Kung ganito din namang boses ang uuwian mo araw-araw, tatamadin ka pa bang magtrabaho?


"Ayos naman mahal na reyna. Ikaw ba? Kamusta? Kumain ka na ba?"


"Yes. Katatapos ko lang.."


Tinanong ko ang mga nangyari sa kanya ngayong araw. Siya naman, kinwento at tuwang tuwang shinare ang new endorsement niya. Siya na kase ang new ambassador ng Primadonna. Kaya sobrang masaya siya. Another blessing for my lucky charm.


Bukod pa yung blog niya na matagal na niyang pinaghahandaan, sobrang blessed lang talaga ng babaeng 'to. Hindi naman kaduda-duda kung bakit siya blessed. Marami pang nagmamahal sa kanya. Hay.. Kathryn Bernardo-Ford. Hulog na hulog na talaga ako sa'yo. ❤


"Masaya ako para sayo."


"Thank you, bali. And they said, may launching daw na magaganap at kasama ako sa ila-launch as their new ambassador. Ehhh!!!"


I chuckled. Ang sarap pakinggan ng boses niya. Yung masaya lang siya. Yun naman ang importante.


"Bali? Still there?"


"Sige lang Kath, kwento ka lang. I'll listen."


She giggled. "Traffic 'no?"


I nod. Kahit di niya nakikita. And she continued telling stories that happened on that day.

--

We ended our conversation saktong malapit na ko sa bahay. Binaba na ni Kuya Romeo ang mga gamit at inabot sa PA ko. Ang layo ng location sa bahay kaya halos magga-gabi na rin ng makauwi kami.

Off The Record (OFFCAM)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon