4. Puppies

9K 138 5
                                    

(Flashback Chapter)

Kath's POV

Hi guys. Andito kami sa taping ng Princess And I :) Katatapos lang ng scene ko, si DJ naman kanina pa tapos ang scene nya. Hinahanap ko nga kase nawawala na naman.

"Ma, nakita mo si DJ?"

"Kasama lang kanina ni Mark eh. Sandali.. *lingon lingon, hinahanap si Mark* Mark! Nakita mo ba si DJ?"

"Umalis po Tita eh.. Pero babalik din daw po sya agad. May importanteng kukunin daw sya." Lumapit naman samin si Kuya Mark.

"San daw pupunta kuya?" Tanong ko

"Ewan.." Nag shrug lang sya at tumalikod na.

Saan naman kaya pupunta yon? Kailangan talaga kunin nya yung 'importanteng' bagay na yun in the middle of taping? Ganun ka-importante? Tss.

Nilapitan ko nalang sina Ate Bianca and Sophia sa tent nila. Niyaya nila akong kumain sa pagkaing dala nila. Nagkwentuhan lang kami at nagtawanan habang break. Ilang minuto na ang lumilipas pero wala pa ding DJ. Ilang minutes nalang din, magr-resume na ang taping namin.

"Ma.. Wala pa ba si DJ? Kanina pa po yun eh. Hanggang ngayon wala pa din."

"Nakita ko na sya kanina. Hindi pa ba nagpapakita sayo?"

Huh? Kanina pa nandito ang lalaki na yon?!

"Hindi po."

Tinawag ni Mama ang PA ni DJ at kinausap.

"Dho, asan na naman si Daniel?"

"Pumunta pong sasakyan Ate Min. May inaayos daw na importante."

"Ano po bang importante yun?!" Bigla nalang akong napalakas ng boses dala siguro ng inis.

"Chill ka lang Kath. Andyan na yung hinahanap mo oh."

"Sinong naghahanap sa gwapo kong mukha?"

Nilingon ko sya at ngumiti pa sakin ng nakakaasar.

"Saglit lang ako nawala miss mo na ko agad? Sweet mo naman!"

"Heh! Bwisit ka!" Tinalikuran ko sya at dumiretso sa tent namin. Nakakainis! Di ko alam kung saan ako mas maiinis eh. Sa kalokohan nya na umalis sa gitna ng taping, o sa hindi nya pagsasabi sakin kung ano ba yung importanteng pinagkaka abalahan nya!

"Tita? Bakit galit yung asawa ko?"

"Aba ewan ko sayo! Lagot ka dyan."

"Ang Amazona ng anak nyo Tita. Natatakot ako! Baka patayin nalang ako nyan sa loob ng tent."

Aba! At talagang nagawa pang magbiro ha!

"Kath.."

"Heh."

"Uyy. Grabe ka naman, di pa nga tayo, ganito na tayo mag LQ. Maawa ka naman sakin."

"Wag mo 'kong kausapin."

"Paano pag nagkaanak na tayo?"

"ANAK?! E-WAN KO SA-YO!"

"Ang high blood mo naman. Nandito na nga ako eh. Ano pa bang kinakagalit mo?"

"Wala.. Dun ka na sa 'importanteng' bagay na inaasikaso mo." Irap ko sa kanya.

"Aha.. Hahahay. Nagseselos pala si Miss Kathryn Bernardo! Hoo. Thank you Lord!" Nagtatalon sya nang magkalapat ang kamay at nakatingin sa taas. Parang ewan!

"Selos? Anong selos? Galit ako kase iresponsable ka! Tama bang umalis ka sa gitna ng trabaho DJ? Tama ba yon?! Pag nakarating ito kay Tita Karla, nako."

"Oy oy. Umalis ako, breaktime natin. Saka nagpaalam ako kay Direk bago umalis. Di naman dapat ganun katagal ako nawala eh. Natraffic lang talaga. Tanong mo pa kay Kuya Mark."

"At idadamay mo pa si Kuya Mark?!"

"Hindi! May sorpresa kase ako sayo! Ayan. Nasabi ko na! ..Ito naman eh. Ang hirap hirap lagi pagtaguan ng surprise." May binulong naman na hindi ko naman naintindihan.

"Ha! Reasons Daniel. REA-SONS!"

"Ayaw mo maniwala? Kuya Dho! Padala naman dito yung dalawa oh."

Hinintay kong pumasok si Kuya Dho. Ano naman kayang gagawin para pagtakpan ang kalokohan ni DJ..

Dalawa?? At talagang may inutusan pa!

Pumasok si Kuya Dho na may dalang .. bag? Teka, bag to na lalagyan ng .. dogs??

Kinuha ni DJ ang bag at dinukot ang nasa loob nito. Nilabas nya ang dalawang puppies na color black and yellow.

Oh my gosh!!!

---

TBC

Off The Record (OFFCAM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon