Carla Ford's POVPagkarating ko sa bahay ng mga Bernardo, pinapasok nila ako at pinaupo sa salas nila. Wala namang nagbago sa pakikitungo nila saken, pamilya na rin kasi ang turing namin sa kanila at ganun din sila samin.
"Ate Min si Kathryn?"
"Ah nasa taas. Nagpapahinga yata. Pero sinabi ko na pupunta ka." Tinawag nya ang isang maid para i-check si Kath.
"Sino ang kasama ng mga bata sa bahay nyo?"
"Pinauwi ko muna si DJ. Bilin ko yun sa kanya, saka nandoon naman ang kapatid ko Ate Min."
"Ah mabuti naman."
"Ma'am. Hindi po tulog si Kath."
"Sige Karla, pwede ka nang umakyat." Ngumiti si Ate Min saka ako umakyat sa kwarto ni Kath. Pagkarating ko sa tapat ng kwarto nya, kumatok ako agad.
"Nak.. Si Tita Karla to." Bumukas ang pintuan nang wala pang isang minuto at lumabas si Kathryn na gulat.
"Tita! Ako nalang po sana yung bumaba. Nakakahiya naman. Pasok po kayo."
"Okay lang, ako naman ang may kailangan eh." Pumasok kami at umupo sya sa kama. Sumunod naman ako.
"Kamusta anak?"
"Okay naman Tita."
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, nak. Nandito ako para humingi ng paumanhin sa nagawa ni DJ. Hindi para paboran ang anak ko kundi para ipaalala sayo na mas kilala mo si DJ kesa sa isa pang taong involve sa issue.. Anak, sana wag mong hayaan na masira ang relasyon nyo ng isang pagkakamali lang. Oo, maliit man o malaki ang kasalanan ni DJ, kasalanan pa din yon. Pero mahal nyo ang isa't isa. Sana wag mo kalimutan yun anak. Kung hindi mo man mapatawad si DJ, matatanggap ko yun. Sana hindi sya mawalan ng puwang sa puso mo."
Tumatango lang si Kath habang nagsasalita ako. Super understanding ng bata na to. Kitang kita sa kanya na nakikinig sya sa nakatatanda sa kanya hindi sa nanay ng taong may nagawang kasalanan sa kanya.
"Naiintindihan ko po Tita. Kakausapin ko po si DJ. Susubukan ko po."
"Nak.." Kinuha ko ang kamay nya at hinawakan. "Sana wag tumatak sa isip mo na kaya nya nagawa yun dahil Padilla sya. Hindi anak, nature na yan sa mga lalaki. Kaya nga ako nandito diba? Hinding hindi ko hahayaan na matuto ng ganon ang anak ko. Maghahalo ang puti sa de kolor pag inulit nya to." Natawa naman kaming dalawa sa sinabi ko. Nakakatuwa si Kathryn.. Sobrang lambing at mabuting bata. Ang ganda ng pagpapalaki ni Ate Min at Kuya Teddy sa kanya.
"Anak, maniwala ka saken hindi mo deserve ang ginawa ni DJ kaya humihingi talaga ako ng tawad."
"Okay na po Tita. Mag uusap po kami ni DJ." Ngumiti sya saken saka namin narinig ang pagbukas ng pinto ng kwarto niya.
"Tita.. Si DJ po."
Bago pa ako magreact, mas nauna pa ang anak ko.
DJ's POV
"Tita pizza po para sa inyo."
"Ibaba mo nalang dyan sa mesa. Pakikuha nga ng inumin si DJ."
"Si Kathryn po?"
"Nasa kwarto nya." Kuya Kevin
"Ano namang ginagawa mo dito?" Tito Teddy
"Pa." Awat ni Tita Min
"Matapos mong saktan at lokohin ang bunso namin? Ang lakas ng loob mo ha."