Nagising ng maaga ang pamilya Bernardo para sa birthday celebration ni Kathryn slash vacation na rin sa Legazpi. Napili nila ang Misibis para gawing pribado ang celebration.
"Oh, nak? Nasaan ang mga gamit mo?"
"Nasa taas pa po. Ako nalang magbaba later after ko po kumain."
"Osige. Okay ka lang ba?"
Tumango ang dalaga sa ina bago siya nagpunta sa dining area ng bahay nila. Napansin naman ng ina ni Kathryn ang lungkot at pagkabalisa nito. Noon lang rin niya naalala na hindi niya nakausap ang anak bago ito natulog kagabi. Ano nga bang nangyari kagabi? Baka nagkagalit. OA din kase minsan tong si Daniel eh. Daig pa ako sa pagiging strikto.
"Pa, lapitan mo nga ang anak mo oh. Parang walang gana. Nagkagalit ata sila ni DJ kagabi."
"Ah ganun ba? Sige, kakausapin ko lang."
Lumapit ang Ginoo sa bunsong anak na ngayon ay kumakain ng tulala sa hapag.
"Nak, are you okay?"
Napapitlag sa gulat si Kathryn sa presensya ng ama.
"Um, okay lang Papa."
"Sigurado ka? It's your birthday ayokong malungkot ang bunso namin."
"Okay lang po talaga. May iniisip lang." Pilit na ngumiti nang masaya ang dalaga sa daddy niya.
*
"Min, kausapin mo nga si Daniel ha. Pagkatapos namin kayo ihatid sa airport, tawagan mo."
Sumang ayon ang may-bahay ng Bernardo sa sinabi ng Teddy Bernardo. Bakit naman kung kailan birthday ng anak ko saka sila magkaaway?
Pinagmasdan ni Min ang anak na tahimik na nakasandal sa bintana ng van, suot ang paborito nitong brand ng sun glasses. Ilang minuto ang ginugol para makarating sa airport.
"Ay, ako na bunso. Ikaw nalang magbuhat kay Lhexine. Wait nalang kayo sa side." Ani ni Tin nang makitang bubuhatin ni Kathryn ang mga bagahe.
"You sure, ate?"
"Yes. Sige na."
*
"Ngayon din ba flight ni DJ?" Tanong ng panganay na si Tin sa ina nang makapasok sila sa Departure Area.
"Ewan."
Naramdaman naman ni Kathryn na siya ang kailangang sumagot sa tanong ng ate niya kaya..
"Ate, hindi po. Later pa sila nina Dom."
"Ah, okay."
Lumayo ang ina ni Kathryn sandali para tawagan si Daniel. Ikatlong pagtunog ng telepono saka nito sinagot.
"Mama Min?"
"Hello Daniel. Magkaaway ba kayo ng anak ko? Wala sa mood eh. May alam ka ba dito?"
"Um, tita. Nagkagalit po kase kami. Pero mamaya po aayusin ko. Tatawagan ko na rin po talaga si Kath bago kayo magboard."
"Talaga ba? Sige sige. Kung ano man yun, ayusin na kase ayoko nang nagkakagalit kayo. Okay ba yon?"
"Opo, tita. Thank you po."
"Sige na. Isang oras pa bago ang flight namin. Tawagan mo na ha."
"Opo. Pasensya na po, tita."
"Okay lang, ayoko lang nang malungkot kayo pareho. Away kayo ng away eh, apektadong apektado naman kapag hindi nagkabati." Pang aasar pa ng ginang.
