27. Possessive

10.2K 135 3
                                    


(Note: Back on 3rd person's point of view. Enjoy!)



Kakatapos lang ng awarding ng I Feel Good album ni Daniel. Naging gold na ito, at natural lang na matuwa ang kanyang number one fan.



"Congratulations bali!! I'm so happy and proud of you, as always." Kathryn greeted once he stepped inside his dressing room. Naghintay pa ito doon, dahil naging busy ang binata makipagusap sa mga taong bumati sa kanya.


"Thank you, Bal. Next time, ikaw naman ang magce-celebrate!" Ngisi pa nito sa girlfriend.


"Asus! Kahit wag na. Haha!"


Matapos pa ang ilang greetings galing sa ibang tao, pinatawag na si Kathryn para sa susunod nitong prod number.


"Ay, bal. Ako na pala ang next. Magready muna ako, okay?"


Malambing namang tumango si Daniel. Lingid sa kaalaman nito na sasayaw ang girlfriend ng isang sikat ngayon na tugtugin.



Habang busy sa paglalaro ng phone, lumabas na si Kathryn mula sa dressing room nito. And as expected, being the "over-acting boyfriend" of all time, shocked is written all over Daniel's face.


"Hala. Ano yang suot mo, Miss Bernardo?" Emphasizing the letter 'R' of her family name.


"Umm.. Shorts and crop top, bi. Why??" She answered.


"Bakit ganyan?? Ang ikli naman masyado!"


"Oh, oh. Relaks Mr. Ford! It's for her dance prod naman. Pagbigyan mo na." Depensa ng make-up artist ni Kathryn, Denise Ochoa.


"Pero Ate Den, pwede naman sumayaw ng naka long sleeves at jeans ah?"


"Pero Daniel, required yan at kasama sa trabaho.. Hayaan mo namang makita ng publiko ang kasexy-han ng jowa mo." Dagdag pa ni John Valle, ang hairstylist ng dalaga.


Sa kabilang banda, siniko naman siya ni Kathryn dahil sa sinabi nito. Mas iinit lang kase ang ulo ni DJ sa sinabi niya.


Si Kathryn na tahimik lang, hindi niya alam ang dapat sabihin. Baka kapag nagsalita pa siya, mag away lang sila ni DJ.


Napuno ng katahimikan ang loob ng kwarto. Sa kalagitnaan, bigla namang pumasok ang Manager ni Kath. Nahimigan agad nito ang problema.


"DJ, ano bang gusto mong maging itsura ni Kathryn sa stage? Kill-joy at OA? Sige na tama na yan. Kath, lumabas ka na kase susunod ka na." Inaya namang lumabas ng 'glam team' si Kathryn. At sumunod din naman ito.


Nalungkot si Kathryn sa nangyari pero hindi ito naging hadlang sa performance niya kasama ang iba pang artist. The usual, she stands out not because she's THE TEEN QUEEN, but because she has her own charms that could make people admire her more.

Off The Record (OFFCAM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon