(Flashback Chapter)
Kath's POV
He gave me puppies. Sobra kong saya nung inabot niya sakin ang color black ang yellow puppies.. He knows how I love puppies :') Gusto kong maiyak sa tuwa.
"Sorry na.. Sila yung surprise ko sana kaso ayan, nalaman mo na kaya ibibigay ko na din." Di ko sya pinapansin at kinausap ko lang ang bago kong babies.
Yey! May kalaro na si Fishy! I'm so happy!
"Sorry na. Ito naman oh.."
Narinig kong nagbukas ang pinto ng tent namin. Pumasok naman si Mama.
"Oh, di pa rin kayo okay? San ka ba nagpunta DJ?" Humarap ako kay Mama para ipakita sina.. Ay wala pa pala silang pangalan!
"Wow! Ang cute naman nyan anak! Bigay mo Daniel?"
"Opo Tita. Kaso yung mommy nila galit pa din sakin eh. Ayaw mamansin." Tila nag susumbong na sabi nya kay Mama. Aba nga naman! Nagawa pang magdrama.
"Nako kayong dalawa talaga. Magbati na kayo ha. Ayusin ko lang yung gamit natin kasi pack up na daw mamayang konti sabi ni direk." Dumiretso naman si Mama sa mga gamit namin, na medyo malayo sa pwesto namin ni DJ ngayon.
"Ano? Galit ka pa din?"
"Hmp. Hindi na. Pasalamat ka! Kung di dahil kay Cola and Nacho, di kita papansinin!"
Aha! Cola and Nacho nalang names nila. Tamang tama sa color nilang dalawa! Si Cola, color black. Color ng Coca-Cola. Si Nacho naman, color nachos. Hahaha!
"Ha?"
"Bakit? Maganda naman ah! Kakulay nila ang Coke at Nachos. Haha!"
"Sige. Pagbibigyan na kita dyan sa names. Sayo naman sila eh. *giggles* Alagaan mo silang dalawa ha. Padadamihin pa natin yan. *wink*"
"Basta ba tutulungan mo ko sa pag aalaga sa kanila. Ikaw nagbigay eh, edi ikaw din ang katulong ko sa pag aalaga."
"Syempre ako ang daddy! Gusto mo kahit si Fishy i-adopt ko na din eh. *laughs*"
"Ewan ko sayo DJ. Pero thank you ha. May bago na naman akong aalagaan lalo na kapag free day. :)"
"You're welcome Kath. Lakas mo kaya sakin!"
"Oo! Kaya malakas din ang loob mo gumawa ng kalokohan eh. Ikaw talaga!"
Di ko napansin na nakatingin pala si Mama samin.
"Okay na kayo??"
"Okay na Tita :) Mabait na ulit si Kath. Buti hindi nag transform kanina. *laughs*"
Siniko ko naman si DJ dahil sa sinabi nya. Loko!
"Oh sya. Tama na yan, DJ ayusin mo na ang mga gamit mo para pag natapos ang take mamaya, diretso na ang uwi natin."
"Tita, sa inyo ako uuwi?!"
"Baliw! Syempre hindi! Ikaw na bata ka. Ibig kong sabihin, sabay sa pag alis sa location.."
"*giggles* Tita naman! Di na mabiro."
Ang baliw talaga ni DJ. Umuwi na kami pagkatapos maging gentleman ni DJ. Hinatid nya kami sa sasakyan bago sya sumakay sa van nila.
"Good night po Tita. Ingat po. Kath."
"Ingat din kayo Daniel."
"Goodnight DJ. Salamat ulit sa pagbigay kay Cola and Nacho :) Promise, aalagaan ko sila :)"
"No need to promised Kath. I know you'll take care of them forever. They are always in good hands. :)"
Pagkasara nya ng door ng van, sumilip sya sa window sa tapat ng driver's seat.
"Kuya Mar, ingat po kayo. Ingatan nyo po sila lalo na si Kath, pakakasalan ko pa po sya."
May sinabi syang ikinatawa ni Kuya Mar at sumagot ng, "Opo Sir Daniel! Aabangan ko yan sa hinaharap."
"Sige po, Ingat!"
At nagsimula nang umandar ang sasakyan. Napaisip naman ako sa sinagot ni Kuya Mar. Ano kaya yung sinabi ni DJ?
"Kuya Mar, ano pong aabangan nyo sa future?"
"Ahh.. *laughs* malalaman nyo rin po yun Ma'am pagdating ng araw na yun."
"Anak, bakit naman parang na-curious ka ata?"
"Di ko kasi narinig Ma eh."
"Kalokohan lang ni DJ. Alam mo naman yung kaibigan mo, ang daming alam. *giggles*"
"Ma, narinig mo din sinabi ni DJ??"
"Oo naman! Ako pa. *laughs* Sikretong malupit nalang namin yun anak."
"Mama naman eh."
Hinayaan ko nalang ang topic na yun. Bahala na sila kung ayaw man nila sabihin. Malalaman ko din yun balang araw.. Sabi nga ni Kuya Mar, abangan nalang natin sa future :)
**
