Angelo's POV
"And there's this someone who will fight for me. She gave me the reason to live and continue life. I want to introduce my girlfriend, Yna."
Saglit na tumigil ang takbo ng oras. Parang hinila ako pabalik sa kung saan mang lugar sa mundo. Ewan ko, pero parang pati tibok ng puso ko napahinto nang marinig ko mula kay David ang mga salitang yun.
Si David.
Pinili nga niya si David. Ito pala yung sinasabi nilang sakit na isang beses mo lang dapat maranasan sa tanang buhay mo. Dahil kung maranasan mo ulit ito, baka hindi kayanin at maaari mo itong ikamatay. Pwedeng dahil sa pagkabaliw? Ewan. Siguro nga hindi ko na alam kung ano pa bang dapat kong sabihin o maramdaman.
Gusto ko lang lumayo sa napakasikip na kwartong ito. "Excuse me." paalam ko.
"Sandali!"
Nagmadali akong lumabas. Ayoko nito. Ayoko ng nararamdaman ko. Ang sakit. Tagos yata hanggang kaluluwa ko. Tangina
"Sandali lang Anghelo!"
Diretso lang Angelo. Tiisin mo na muna siya sa ngayon. Kahit ngayon lang, para naman sa sarili mo.