22. Visit

7.7K 130 1
                                        



Kathryn's


It's a monday morning, ibig sabihin free day namin ni DJ. He called last night na he's going to visit lhexine today. Miss na daw niya ang inaanak niya eh.


"Good morning everyone!"


"Good morning bunso. Any plans for today?"


"Pupunta daw si DJ dito. So.. I'll stay."


"Ow. Okay! Kain na tayo. Lhexine, anak! Let's eat na, come here." Hindi ko napansing nasa salas pala ang princess namin, nanonood ng cartoons.


Lumapit ako sa kanya at ki-niss ko siya sa cheeks. "Hello princess! Kiss mo Tita pls." Ki-niss niya naman ako saka siya nag giggle. Ang cute! Nakakagigil!


Inakay ko na siya papuntang dining. Inupo ko siya sa upuan niya at nilagyan ng table napkin.


After namin kumain, nanood lang kami ng tv sa salas. Binantayan ko si Lhex kase busy si Mama at Ate sa kusina. They're cooking for DJ daw. Oh diba? Special.


Niloko ko pa si Ate. Sabi ko di naman siya marunong magluto eh. Baka masunog lang niya. Haha!


*dingdong


"Lhexine! Tao po!"


"Onong! Onong!"


Bumaba naman agad sa couch si Lhex at sumunod kay Ate Ganda sa pagbukas ng gate. Lumabas naman si Ate galing sa kitchen.


"Oh, andiyan na ang manliligaw ng anak ko?"


"Ha-ha ate."


"Si Lhexine agad ang hinanap bunso. Nako, nauungusan ka na ng pamangkin mo. Haha!"


Lumabas kami at nakita ko si DJ, buhat niya si Lhexine sa right arm, sa left arm naman si Jordan.


"Oh my gosh Jordan!!"


Lumapit ako at kinuha ko si Jordan kay DJ. Ang cute niya talaga! Ngiti lang siya ng ngiti habang kinakausap ko.


Narinig ko naman ang sinabi ni DJ kay Lhex. "Hayaan mo lhex, ikaw lang ang love ko. Pinagpapalit ka na ng tita mo."


Hinampas ko naman siya sa braso. "Kung anu-anong sinasabi mo diyan! Mamaya kung anong isipin ni Lhexine. Ikaw talaga."


"Joke lang.. Haha!" Tumawa naman siya at pumasok na kami sa loob.


Pinapasok naman ni DJ ang mga dala niyang food sa driver niya.


Nakaupo lang sa lap ko si Jordan at buhat naman ni DJ sa Lhexine.

Off The Record (OFFCAM)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon