DJ's POV
May usapan kami ngayon ni Kath. Pupunta ako sa kanila ngayon kasi tutulungan ko siya sa task niya para sa birthday ni Lhexine. Yun nalang kasi ang maitutulong niya dahil sa mismong party ni Lhexine, nagkataong may trabaho kami. Ayaw niya naman na wala siyang gagawin para sa mahal niyang pamangkin.
Pagkarating ko sa kanila, nadatnan ko siyang nakaupo sa sahig sa salas nila kaharap ang mini table at nandoon ang mga kung ano anung papel na ginugupit niya.
"Oh! Andiyan ka na pala Bi! Come here."
Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa noo.
"Ano naman yang ginagawa mo Bi?"
"Naisip ko kasi na sulatan si Lhex para sa birthday niya.. Diba ang ganda Bi?" Excited niyang tanong sakin.
Napansin ko ang mga kung ano ano na nakalagay sa mini table. May glue, glitters, colored papers, saka yung magic pens ata yun? yung mga may glitters na ballpen? Ganun. Basta mga gamit sa arts. Ang kalat nga eh.
"Maganda naman baby. Kaso, hindi pa naman yan mababasa ni Lhexine eh. Magto-two palang siya babe."
"Alam ko naman yun bi. Okay lang na di pa niya mabasa. Pwede naman sa paglaki niya eh. Saka, pwede naman yun itago ni Ate. Yung mga ganitong letters bi, mas tagos sa heart kapag binigay mo. Ibig sabihin, nag effort talaga yung nagbigay. Diba?" Ngumiti naman siya ng malaki na parang sobrang ganda ng naisip niya. Haha!
"Oo na po.. Susuportahan na kita diyan sa idea mo. Teka, ano bang maitutulong ko?"
"Mag gupit ka nalang bi dyan ng mga flowers, hearts, kung ano man na pwede natin gawing design para sa letter. Okay?"
"Ginawa mo pa akong artist neto. Hindi ko naman trip yung mga ganito!"
"Artist ka naman talaga Bi! Hahahaha! Sige na wag ka na madrama diyan. Magsusulat na ko para matapos na agad."
Sinimulan na namin ang mga dapat gawin at natapos naman namin yun ng maayos. Masayang masaya naman si Kathryn sa nagawa naming design para sa letter niya.
"Oh my gosh Bi!! Ang cute ng design na nagawa mo! Tamang tama sa theme ng party ni Lhex. Hahaha"
"Pinagtatawanan mo ba yung nagupit ko?"
"Hindi naman Bi.. Ang cute lang kasi. Marunong ka pala basta tungkol sa bee. Hahaha!"
"Nalaman ko kasi kay Ate Tin na Bee pala ang theme ng party ni Lhexine kaya yun nalang ang ginupit ko. Kesa naman gumupit ako ng mga bula-bulaklak! Ayos na yan."
"Oo naman okay na to! Hahaha!"
Habang tinatapos na ni Kath ang sulat niya, nakita namin na bumaba ang girlfriend ng kuya niya.
"Hello lovebirds!"
"Hi Ate!" Sabay naming sabi ni Bi.
"Tapos na ba kayo?? Sama kayo samin. Watch tayo movie. Game?"
"Ay! U-umm. A-ate! Kayo nalang. Okay na kami ni DJ dito. Sino pa kasama nyo?"
Nagtaka naman ako nang magbuckle pa si Kath. Tatanggi lang kailangan mabulol?
"Hindi pa kasi sure yung friend namin. Baka kami lang ni Kevin. Ano sama na kayo! Double date tayo lovebirds!"
"Ano bang papanoorin Ate?" Tanong ko.
"50 Shades of Grey."
Papayag na sana ako pero naunahan ako ni Kath.
"A-ate. Wag nalang talaga. O-okay na kami ni DJ. Oo tama. Ano, may gagawin pa kami para sa birthday ni Lhex eh. I forgot na may idadagdag nga pala ako."
![](https://img.wattpad.com/cover/28556817-288-k560449.jpg)