Daniel's
Early calltime for ASAP kaya maaga ako. Sinabi ko kay Kath na mauuna ako for rehearsal, ayoko naman na maghintay siya eh two hours pa bago ang call time niya. So nauna na ako.
Fans day ko nga daw ngayon kaya nagrehearse lang ako. Inaral ang mga kanta saka nag final rehearsal. Tinext ko na si kathryn kung ayos na ba siya kase ang gusto ko, sunduin sila sa kanila.
Nagvibrate ang phone ko at isang message galing kay Kath ang bumungad sakin.
From: Bal
No need na, bali. We're on our way na. Tapos na rehearsal mo?
Nagreply naman ako agad.
To: Bal
Ang aga mo talaga lagi. Yes, done na po. Kumain na kayo ni Mama Min? Gusto nyo kumain muna tayo bago mag ASAP?
Ilang minuto at dumating ulit ang mensahe niya.
From: Bal
Sige. I'll tell to Mama. See you
Naupo lang ako sa monoblock habang hinihintay sila Kathryn. May mga dumaan na kakilala kaya tumayo ako at nakipag usap. May fans na din na dumadating at sumisigaw.
"Daniel bro!"
"Oy pareng Robi!"
"Fans day mo brad! Naks naman. Ang aga ng fans hanep ka talaga. Iba ka brader!"
"Bolero ka pare ah! Hahahaha"
Nagtawanan lang kami ni Robi at maya-maya lang, dumating na sina Kathryn.
"Kath!!"
"Hey bro, sup?"
"Talaga nga naman! Nahawa ka na talaga sa boyfriend mo Kath! Haha"
"Ganun talaga Robi.. Good influence yata ako!" Saka kami nag apir ni Robi. Eto ang gusto ko sa kanya eh, lahat ng trip magkasundo kami.
Hinalikan ko sa cheeks si Bal, ganun din si Tita. Nagpaalam si Tita na aayusin daw niya ang gamit nila sa dressing room kaya umalis muna siya. Si Robi naman, nakalayo na rin.
Nilingon ko si Kathryn na nagpicture with a fan. Pagkatapos nun, hinigit ko siya palapit sakin saka niyakap ng nakagilid. Inamoy ko ang buhok niya na paborito kong inaamoy. Ang lambot kase nito at ang sweet ng amoy. Very natural. Parang walang katulad na amoy yun. Yung parang alam kong kay Kathryn lang.
"Gutom ka na? Let's eat na." Tanong ko sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/28556817-288-k560449.jpg)