A/N: Hello!!! I'm back!!! Exactly one month nung huli kong update, and I'm so sorry po kung naghintay kayo ng matagal. Hindi na ko mageexplain, mag update nalang ako :) Haha!
Thank you guys for being patient always. Eto muna ang cute update 💙 Enjoy!
Kathryn's
I am currently trying a new recipe I got from Pinterest. Last night kase, I decided to find a new recipe na madali at magugustuhan ni DJ. Super arte pa naman niya sa food at kung hindi nya talaga bet, sasabihin niya.
Kaya 6/10 lang yung rate niya sa lasagna kong first time niyang tinikman dati eh! Diba? He's so mean!
Kaya ito nagpapatulong ako kay ate Kaye. She learned how to cook on her own daw when she's still in London. Ang independent nga ni ate eh.
"Okay, next step. Sauté the potatoes."
"Huh?"
"Sauté mo raw. Ako na nga."
Si ate na ang nagtuloy nung step. Medyo lutang ako kase kanina napaso ako sa frying pan nang pinainit ko yun. Nadidistract pa din ako sa hapdi niya. Gosh!
"Oh, pagkatapos daw nito hanguin mo na then ilagay mo dito sa plate na may tissue para madrain ang oil. Ip-preheat ko lang yung oven bunso."
"Okay ate."
Ginawa ko ang mga sinabi ni ate hanggang sa malagay namin ang potatoes sa oven. Excited ako ng konti kase sana magustuhan to ni DJ. Psh! Baka naman dedmahin lang niya 'to! Sayang effort ko. Nako! Kakalbuhin ko talaga siya.
30 minutes later, luto na yung dish. (Naks!)
Umalis na si ate kase may aayusin pa daw siya sa taas so hinayaan ko na. Plating nalang naman and viola! Luto na ang Dish ala Kathryn! Hah! O diba.
Tinakpan ko nalang ang food na niluto namin ni ate sa kitchen table. Nagtanggal na ko ng apron at hair net saka kinuha ang phone para i-check si DJ.
Nasa bahay kase ang friends niya. Naglalaro sila ng bago niyang game sa PS4 pero nagtext siya after daw pupunta siya dito kaya ako nagluto. Mga 6PM daw siya pupunta sabi nya sa text niya kanina.
To: DJ 💙
You guys are done?
