13. Tarukan Days

8K 122 1
                                        

Kath's POV

Buong araw kaming nagshooting ngayon for the movie. Kalurkie sa sobrang pagod pero buti nalang nandiyan sina Ate Cacai para magpatawa. Samahan mo pa ng makulit na DJ, edi lalong lumala!

"Ano lovebirds? Kwentuhan niyo naman kami! Kayo na ba talaga? Aamin lang naman eh!" Pang aalaska ni Ate Cacai.

Nandito kami ngayon sa isang kubo. Pack up na kaya nagaayos na sila at after nun, magdi-dinner na kaming lahat bago lumubog ang araw. Mahirap kase baka abutin kami ng dilim.

"Wala pong aaminin.."

"Asus, bebe girl! Actions speaks louder than mouth!"

"Mouth ba yun?" Nagtatakang tanong ni Ms. Lorna

"Voice yun! Hahahaha!" DJ

"Voice ba, DJ? Pasensya! Makatawa ka diyan, wagas na wagas ah. Kabagin ka sa pagtawa, ewan ko nalang sayong bata ka! Haha" Cacai.

"Ay nako, Ms. LT pagpasensyahan nyo na yang si Cacai. Walang ibang mapagtripan kundi yung dalawa eh."

"Direk ah!! Grabe naman yon. Ayaw nyo pa, pinapaamin ko na nga tong dalawa eh!" Bumaling naman siya samin ni DJ saka nagsalita ulit, "Ano na kase?? Tayo tayo lang naman yung nandito.. Tapos mapagkakatiwalaan naman ako. Ano, kayo na ba talaga?"

"Ate Cacai, wala ngang aaminin.." DJ

"Gusto ko meron! Fan nyo akong dalawa! Ano ba naman yan eh.." Nagtatampong sagot ni Ate Cacai.

Ewan ko sa inyo.. Hahaha
Bahala kayo diyan.

"What you see is what you get. Yun lang yon!" DJ

"Edi kayo na nga!"

"HINDI NGA PO KAMI! HAHAHA" DJ

Ang kulit nila. Haha nagaasaran silang dalawa tapos kami tawa lang ng tawa.

"Kayo na. Alam ko yun. Ramdam ko!"

"Paano mo alam?" DJ

"Wala! Anong pake mo? Feelings mo? Ha? Basta alam ko." Cacai.

Maya maya lang dumating si Mama..

"Kain na tayo!"

"Mommy Min! Eto, kay mother nalang ako kukuha ng chika. Wala akong mahita sa inyo eh!" Lumapit siya kay Mama at yumakap. "Mother Min, magjowa na ba sila? Please answer."

Ngumiti si Mama at umiling.

"Nope. Bawal pa."

"Ay nako! Nabriefing nyo agad si Mother Min 'no?! Yung totoo Tita Min?"

"Magsi-kain na nga tayo. Hahaha"

"Pashowbiz si Mother!!!"

Nagtawanan naman ang lahat. Nagsimula ng kumain, hinatian naman namin ang ibang Aetang dumadaan sa kubo namin.

Syempre, bago kumain si DJ, kinuhanan nya muna ako ng pagkain.

"Thank you."

"You're welcome, Madame Baby.." Bulong niya sakin. Hindi ko naman napigilang mahampas siya sa braso.

"Alalalalala! Hala ka.. Pati sa pagkain may ganung kaechosan?! Akala nyo yang bulong bulong nyo di ko napapansin??"

Tumawa lang si DJ sa patuloy na pang aalaska ni Ate Cacai. Wala talaga siyang balak na tumigil. Haha

"Uyyy.. Aba'y hindi lang pala pang palabas ang mga batang to. Totoo palang kayo?" Tanong ng isang taga Tarukan.

"Sila po talaga nay, pero hindi pa pormal na naaanunsyo." Ms. Lorna

Off The Record (OFFCAM)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon