38. Love-nat.

8K 189 3
                                        



"Eat ka na ng breakfast bal."


"Ayoko."


"Sige na pls? DJ para gumaling ka na."


"Ayoko niyan ang pangit ng lasa."


"Anong gusto mo? Ipapaluto natin."


"Wala."


Ay nako. Ang tigas ng ulo ng mokong na 'to. Ayaw kumain!


Tinawagan ako ni Tita Carla kanina. Kung hindi daw ba ako busy dahil may sakit daw ang bunso niya. Nagtaka naman ako. Yun pala, umaarteng bunso ang panganay nila.

Tulad ngayon, ayaw kumain. Tapos instead na magpahinga, nanonood pa ng tv. Ang taas ng lagnat tapos kung makikita niyo, namumutla din siya.

"DJ. Magagalit na ko kapag hindi mo pinatay yang tv at kumain ka dito."

Hinintay ko siyang sumunod. Nakaupo ako sa kama niya kung nasaan ang pagkain sa table na inakyat ng maid nila. Nasa entertainment room siya, dun sila naglalaro ng games kasama ang barkada niya.


After a few seconds, hindi siya pumupunta dito.


"DJ. 3 days."

Walang effect.

"5 days."

Wala pa din.

"One wee--"


Na walang pansinan.


"Eto na eto na! In-off ko lang yung tv. Tss"


"Aba! Ikaw pa ang galit ha."


"Sorry."


"Halika nga."


Lumapit siya at tumabi sakin. He's wearing his usual outfit kapag nasa bahay lang. White shirt, shorts at ngayon naka socks siya. Malamig daw.
Ang lakas kaya ng aircon mo dito, Bal.

Hinipo ko ang leeg at noo niya. Mainit pa din.

"How are you feeling?


Naglean lang siya sakin patigilid kaya nakapatong na ang ulo niya sa balikat ko. I bet, hirap na hirap siya sa pwesto niya dahil mababa. Ganun talaga, maliit ang girlfriend eh.


"Higa ka nalang, bal. Mas mahihirapan ka sa pwesto mo na yan."


"Ayoko."


"Bakit? Ayaw mo ba ko dito?"


"Hindi ah. Wala akong sinabi." Napangiti naman ako.


"Eh ano?" mina-massage ko nalang ang sintido niya. Sabi niya kase kanina masakit daw ang ulo niya.


Off The Record (OFFCAM)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon