19. BALiw

7.9K 108 1
                                    




Kathryn's



Nag photoshoot kami ni DJ kahapon for Pangako Sayo at after nun nag gym naman ako. Niloloko ko nga siya na sumama sakin.


"Bal, try mo kase. Exercise din yun."


"Ayoko nga Bal.. Nakakatamad kaya. Mas gusto ko pa magbasket kesa mag gym." Nakasimangot niyang sagot.


Yan ang lagi niyang sagot. Haha! Saka baka daw mabugbog ang katawan niya. Diba? Ang arte.


Now we're together for our new endorsement. Sinundo niya kami ni Mama sa bahay saka nagpunta sa location. Pagkarating namin, nagready na agad kami. Make-up and clothing.


Nang dumating ang lunch break, kumain na muna ang staff at nilabas ni Mama ang binaon namin.


"Wow! Mama ang sarap naman niyan!"


"Wag mo akong niloloko DJ. Hindi mo pa natitikman."


"Nang aagaw na naman si DJ ng Mama.." Pang aasar ko sa kanya.


"Eh Mama ko na rin naman si Mama." Sabi niya saka siya tumawa ng tumawa. Baliw!


"Halina kayo, kain na. Mamaya niyan mag away na naman kayo."


Kumain na kami ng lunch. Buti nalang nagbaon si Mama kase minsan nalang kami nakakakain sa bahay dahil sa sobrang busy. Minsan ko nalang rin matikman ang luto ni Mama.


"Ma, namiss ko ang luto niyo. Lalo na po itong beef steak na favorite ko."


"Oo, anak. Ngayon na nga lang rin ako nakapagluto. Hayaan nyo sa susunod, dadalas-dalasan ko na." Nakangiting sabi ni Mama. Binigyan din namin si JV at Ate Den ng baon namin.


"Ate Min! Wala pong pinagbago. Ang sarap pa rin po ng luto niyo."


"Yes Ate Min. Pwede na pong chef!"


"Nako, nambola pa. Pero, salamat Den and Jv."


Si DJ naman, tahimik lang na kumakain. Ang bilis niya nga sumubo eh. Masyado yatang gutom? Haha


"Bali, dahan-dahan baka mabulunan ka." Tumawa lang siya at sinunod ako.


Matapos ang lunch break, balik na kami sa trabaho. We're doing a new commercial for our new endorsement together. Ilang hours din ang tinagal ng shooting bago kami natapos at its already 6pm.


"Wala ba kayong balak puntahan?"


"Pwede po ba Tita?" Sabi ni DJ. Nasa parking lot na kami ng magtanong si Mama.

Off The Record (OFFCAM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon