Kathryn's
After namin mag simple dinner, nagdecide kami na magbonfire sa shore. Sinabi namin agad sa crew para ma-ready nila ang mga kailangan para sa bonfire. Syempre may food, marshmallows and chips.
Pagdating namin nila Pamu sa shore, nakaready na sila. They are seated sa mga bean bags na nakalatag beside the bonfire.
"Huwaw naman! Sarap mag emo ngayon ah?"
"Feel mo ba, Pamu? Haha"
"Oo, Kath eh. Masyadong romantic kase kaya nakakabitter."
"*laughs* Ikaw talaga."
"Marlann! Dito tayo dali! May ik-kwento ako." Tawag ni Pamu.
"Wait lang kukuha lang ako ng chips!"
"Aw. Bakit hindi ako belong? Sama naman ako diyan girls."
"Oo naman Kath! Kaso baka hanapin ka ng jowa mo, alam mo naman yun."
"Hindi, busy siya. Haha! Tara."
Umupo kami sa malaking blanket na nakalatag. Kanya kanyang hawak din ng pillows na kasama sa hinanda ng crew ng resort. Nakaupo lang kami sa side na ito habang ang kabilang side naman ay ang boys. Sila ang mga nakaupo sa mga bean bags samantalang sina JV, Nina and the 'gays' nasa kabilang side din tapat ng bonfire.
Sari-sariling agenda nga kada group eh. Siguro mamaya nalang kami magk-kwentuhan as a whole kapag kumpleto na. Wala pa kase sina Mama.
"Kamusta naman kayo ni Kevin, Pamu?"
"Bakit naman napunta sakin ang topic?"
"Sige na please. Make kwento naman about your lovelife! Haha"
"Sige na nga, tutal birthday mo naman.."
She told us na nag away daw sila kase ayaw din siya payagan sa out of town na to, pero hindi pumayag si Pamu. Kailangan daw talaga makasama siya kase she loves me, so ewy diba? Hahaha joke. Pero natouch talaga ako. I asked her bakit hindi nalang sumama si Kevin para hindi na siya lonely kaso busy daw.
"Haay nako. Pero nagbati din naman kayo bago tayo umalis?" Tanong ni Marlann
"Oo naman! Hindi ko yata keri yun no. Edi nabaliw ako dito."
"Hang taray teh! Iba ka talaga! Ang ganda mo! *laughs*"
"Sayo nang galing yan, Marlann ah? Hahahah!"
"Eh kayo Kathryn? Kailan naman kayo aamin?" Baling naman sakin ni Pamu matapos makarecover sa pagtawa.
"Anong aaminin?"
"Deny pa more." Dagdag naman ni Marlann
"Wala namang aaminin girls. Haha" Sabay kuha ko sa chips.
"Wala daw! Sige na nga.. Ano nalang regalo niya sayo?"
"W-Wala."
"Seryoso?"
"Wala. None. Wala talaga girls. Wag ipilit. Hahaha!"
"Kathryn, kaya tayo nandito kase birthday mo tapos wala siyang gift?!"
"Shh!" Sita ko kay Marlann nang mag half whisper half shout siya.
"Quiet okay? Saka walang kaso yun. It doesn't matter as long as he's here, everyone's here, masaya tayo, okay na yun." Dagdag ko sa kanila.